^

Dr. Love

Laging pinag-aawayan ang pera

Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love,

Hayaan mong bumati muna ako sa iyo ng masaya ang Bagong Taon. Tawagin mo na lang akong Zeny, may asawa at limang anak. Sampung taon na akong kasal sa mister kong si Julio.

Siya ay may kaya sa buhay nang pakasalan ko dahil may sarili siyang negosyo bilang used car trader. Maluwag ang kabuhayan namin noong una at masaya ang aming pagsasama kahit ako’y  plain housewife lang, kahit pa nagtapos ako ng commerce.

Pala kaibigan ang mister ko at mahilig sa mga gimik. Sabi niya sa akin, kailangan daw maging ma-pr siya sa klase ng kanyang trabaho.

Ang hindi ko alam, nalulong na sa pamba-babae at pag-inom ang mister ko, dahilan para bumagsak ang kanyang negosyo.

Hindi lang dalawa, kundi tatlo pa ang kanyang naging pamilya na sinusustentuhan.

Madalas na naming pag-awayan ang tungkol sa pera dahil kulang pa sa kanyang bisyo ang kanyang kinikita. Apektado maging ang pag-aaral ng aming mga anak na napilitan kong ilipat sa public school.

Ayaw kong maging broken family kami kaya pinagtitiisan ko na lang siya.

Ano ang dapat kong gawin para makaahon sa problemang ito?

Zeny

Dear Zeny,

Mahirap nang baguhin ang ugali ng mister mo na lulong na sa ABS (alak, babae, sugal). Kausapin mo siya nang mahinahon at ipanalangin ang kanyang pagbabago.

Pero kung hindi pa rin siya magbabago, isang paraan na lang ang puwede mong gawin. Humanap ka ng sarili mong trabaho.  Nagtapos ka ng commerce, asset mo iyan para matanggap ka sa trabaho.

Tutal, uso naman ngayon na kumakayod pareho ang mag-asawa. Kung hindi dahil sa ugali ng mister mo, hindi mo na sana dapat gawin iyan. Pero iba ang situwasyon mo dahil lima ang inyong mga anak na itinataguyod.

Dr. Love

ZENY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with