Blessing in disguise

Dear Dr. Love,

May magagandang pangyayari na inaakala nating hindi na magbabago. Kung mali pala ang akala natin ay napakasakit nito.

Tawagin mo na lang akong Rody, 25 anyos at binata. Mahal na mahal ko si Sandra. High school pala ay magkasintahan na kami.

Buong akala ko’y magkakatuluyan kami. Katunayan, palagi kaming nag-uusap tungkol sa aming future bilang mag-asawa.

Hanggang second year engineering lang ang natapos ko dahil mahirap ang family ko. Si Sandra ay nakapagtapos ng medicine kaya madaling nakapag-migrate sa USA.

Ang pangako niya, babalik siya sa Pilipinas para magpakasal sa akin tapos sabay kaming pupunta ng America. Kukunin niya ako kapag settled na siya roon.

Three years na ang nakalilipas at hindi natupad ang pangako niya. Isang taon pa lang nakaraan ay nabalitaan kong nag-asawa na siya roon ng isang Filipino-American.

Hindi ako makapag-move-on.

Ano ang dapat kong gawin?

Rody

Dear Rody,

Ipinag-adya ng Panginoon na mailayo ka sa kapahamakan, bagay na dapat mong ipagpasalamat.

Hindi mo ba naisip na mas masakit kung nagkatuluyan kayo at pagtataksilan ka niya? Hindi nangyari ‘yun dahil hindi pinahintulutan ng Diyos dahil mahal ka niya.

Hayaan mong maghilom ang sugat sa iyong puso at ipagpatuloy mong mabuhay.

Makakatulong kung maibabaling mo ang iyong atensiyong sa higit na kapaki-pakinabang na bagay. Sikapin mo na maging abala ka at makisa-lamuha sa iba pang mga kaibigan para mawala nang tulu-yan sa iyong isip ang mapait na karanasan.

Huwag kang mag-worry dahil marami ka pang makikilalang babae na uliran at higit na karapatdapat sa atensiyon at pagmamahal na handa mong ipagkaloob sa kanya.

Dr. Love

Show comments