Pera mo, pera ko..ano ang dapat?

Dear Dr. Love,

Dahil bagong kasal kaming mag-asawa, isa sa mga payo sa amin ay dapat mag-intrega ang mister ko ng panggastos kada sweldo niya. Pero sinabihan  ko siya na kahit huwag na siyang magbigay dahil sapat naman ang kinikita ng coffeeshop business ko.

Actually, may balak pa nga akong magtayo ng bigasan. Ayaw ko rin na siya ang bibili ng mga gamit namin sa bahay o maging gastusan niya ang kotse na ginagamit ko.

Minsan sumasama ang loob ng mister ko kapag ayaw ko siyang pagastusin. Alam ko naman na maliit lang ang kita niya.

Kung ako lang, mas gusto ko na huwag na siyang magtrabaho sa company nila. Mag-focus na lang siya sa business namin.

Sa ngayon, siya kasi ang head sa department nila kaya hindi niya mabitawan ang work niya.

Napapansin ko na tumatahimik siya kapag money matters na ang pinag-uusapan namin. Lalo na kapag nariyan ang mga kamag-anak ko.

I’m not supposed to tell everyone about this, kaso gusto ko lang na malinaw na hindi ko kailangan ang pera ng asawa ko. Pareho kaming kumikita at pareho kaming professional.

Dapat ba magkasama na ang financial assets o pwede pera mo, pera ko?

Merlita

Dear Merlita,

Kung sa legal matters, pwede kayong mag-usap mag-asawa tungkol sa pera ninyo. Pero meron na tayong tinatawag na conjugal property. Ano ito?

Ang “conjugal property” o “community pro-perty,” ayon sa Article 91 ng Family Code, ang “conjugal property” o “community property” ay ang lahat ng ari-arian na dinala ng mag-asawa sa panahon ng kanilang kasal at mga naipundar o nakuha pagkatapos ng kasal at habang ito ay may bisa.

Kung kaya ang anumang ari-arian na dinala ninyo mula nang mag-I do kayo sa isa’t isa , kasama ng mga nabili ng mag-asawa habang kasal ay considered parte ng conjugal property.

Kaya mas mainam na maliwanag sa inyo kung ano ang gusto ninyong gawin sa mga naipundar ninyo at sa pera ninyo.

Dalangin ko na huwag pagmulan ng ‘di magkakaintindihan o samaan ng loob sa pagitan ninyong mag-asawa ang tungkol sa pera.

DR. LOVE

Show comments