Bawing-bawi kay Misis

Dear Dr. Love,

Nagtatampo na ang asawa ko, weekend lang kasi ako nakakauwi  sa rami ng load sa trabaho. Kaya umiisip ako ng paraan para makabawi. After work, inaya ko siya  pumunta sa Luneta. Pinghandaan ko na lahat.

Hindi naman namin anniversary at wala namang may birthday. Gusto ko lang na maging espesyal ang araw na iyon para sa amin. Sinabihan ko siya na magkita kami sa tapat ng kalabaw na may akyatan bago mag-quirino grandstand.

Muntik pa ngang ‘di pumayag dahil medyo gabi na noon. Sinadya kong paghintayin siya ng 30 mi-nutes. Malayo pa lang ako, nakita ko na siyang nayayamot na. Ang hindi niya alam, may dala akong bouquet of roses. Na-surprize siya at halos mapaiyak. Matagal ko na kasi siya hindi nasusuyo tulad ng ginagawa ko noong nililigawan ko pa lang siya.

Wala kaming anak, kaya guilty talaga ako na lagi siyang naghihintay sa’kin.

Tapos, kinuha ko ang inorder kong espesyal na pansit canton, chicken at red wine. Nilatag ko ang sapin sa damuhan at nag-candle light dinner kami. Alam ko na may mga tumitingin sa amin, dedma lang ang mahalaga nakita kong happy si misis. Dahil hindi kami pwedeng manood ng sine, naglakad-lakad na lang kami, kwentuhan na parang mag-bf lang.

Tapos humingi ako ng tawad sa kanya sa pagkukulang ko.

Nung gabing iyon ay nagsiping kami na hindi ko malilimutan dahil sa saya na-ming dalawa.

Zaldy

Dear Zaldy,

Sana all, sana lahat ng mister ay tulad mo. Madalas kasi hindi na napapansin ang damdamin ng kanilang asawa.

Hindi ba kaya ka nga naghahanapbuhay ay para sa mahal mo sa buhay? Kaya bilib ako sa ginawa mo, tama na paminsan-minsan ay mag-date kayo ni misis.

Kung pwede nga, araw-araw ay ipakita at ipadama mo na espesyal ang bawat sandali na magkasama kayo.

DR. LOVE

Show comments