Paano mawawala ang selos?
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Papa Jack. Sixteen years old lang ako nang maging ama, dahil nagbunga ang pagbabahay-bahayan namin ng gf ko, nasa high school lang kami noon. Dahil bata pa ay pinaghiwalay kami ng kanyang mga magulang na agad umuwi mula sa abroad kung saan kapwa sila nagtatrabaho.
Nahirapan ako matanggap ang nangya-ring iyon sa amin ng gf ko, dinala na siya sa Australia, kasama ang aming anak. Nalugmok ako sa bisyo, inakala ko na ang pangalawang naging asawa ko ang makakatulong sa’kin para maayos ang buhay ko, ‘yun pala lalong lumala dahil pareho kaming madalas na damputin ng barangay.
salamat na tiyuhin ko na kumalinga sa akin. Binigyan niya ako ng trabaho sa barangay, hanggang sa nakilala ko ang pangatlong asawa ko na isang volunteer teacher sa aming lugar.
Sa palagay ko, sa kakaparinig niya sa akin habang nagtuturo sa mga bata ay natauhan ako. Saksi ang mga taga-barangay sa naging pagbabago ng buhay ko.
Ang problema ko lang ay ang pagseselos ng misis ko. Hindi ko naman siya masisisi kung magkaroon siya ng insecurity dahil pangatlong asawa ko na siya. Kaya kapag nagseselos siya, lalo na kapag napapa-overtime ako sa aking duty sa barangay, sinisikap kong unawain siya.
Istrikto kasi ang aming barangay sa pagpapatupad ng mga restriction. Kaya laging tinitiyak na may nakabantay sa entry at exit point na nasasakupan nito.
Paano po ba ang dapat kong gawin para mawala ang pagseselos ng aking asawa?
Papa Jack
Dear Papa Jack,
Tama ang ginagawa mong pag-unawa sa iyong asawa. Bukod dun, makakatulong kung sa tuwina ay lagi mo siyang busugin ng iyong atensiyon at pagmamahal. Mga simpleng message kapag nauna ka umalis ng bahay at iba pang paglalambing.
Naniniwala ako na constant communication lang ang kailangan ng mag-asawa para mawala ang insecurities sa pagitan nila. Kung iisipin, ang pagseselos ay damdamin na naghuhudyat ng pangamba na mawalay ang isang mahal sa buhay. Pero kapag ito ay sumobra at hindi napagtuunan ng pansin ay pwedeng maging lason sa pagsasama, kaya i-workout mo.
Hangad ko ang ganap na pagbabago mo at kaligayahan sa pagsasama ninyo ng iyong asawa.
DR. LOVE
- Latest