^

Dr. Love

‘Nahuli’ ng ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Lady G. Matapos na mahuli kami ni mama sa kwarto ko, maraming sermon at kahihiyan ang inabot ko. Disappointed siya sa akin. Hindi niya matanggap dahil sa loob pa ng pamamahay niya namin ginawa. Daig ko pa raw ang tanga, dahil hindi ako nag-iingat. Kapag nabuntis daw ako, hindi niya ako susuportahan. Huwag ko raw asahan ang tulong niyang pinansyal.

Anong klaseng babae raw ako. Bakit pumayag daw akong makipag-sex sa bf ko. Mabuti at wala ang papa ko noon at ang kuya ko. Kung naabutan nila ang bf ko, baka nagulpi at nilumpo nila.

Simula noon, pinagbawalan na siyang makatungtong sa bahay namin. Hindi rin ako kinikibo ng papa ko nang malaman niya ang ginawa namin.  Si kuya, naawa sa’kin kaya hindi na siya nakialam.

Matindi pa sa level 4 quarantine ang nangyari sa akin. Hindi ako lumalabas ng kwarto at si kuya lang ang nagtitiyagang kumusap sa akin.

Ang totoo, hindi lang isang beses namin ginawa ng bf ko ang magsiping. Gumagamit naman kami ng condom at umiinom ako ng pills para hindi ako mabuntis.

Kung hindi ako kinakausap ni kuya, baka bumigay na ako dahil parang hindi na ako nakikita ng parents ko.

Masakit para sa akin na hindi nila ako kibuin. Tahimik at nawala ang halakhakan sa aming bahay.

Naging mapusok ako at hindi ako nakinig sa mga payo ni mama. Ako ang babae, dapat ako ang nagsasabi at nagpapaalala sa bf ko na huwag gawin ang hindi pa nararapat sa tulad namin na mag-bf pa lang.

Lady G.

Dear Lady G.,

Kahit ako siguro ay magugulat kung ang anak ko ang makita kong nakikipagtalik nang hindi pa kasal. Hindi biro ang makipagtalik lalo na kung nag-aaral pa kayo at wala pang ipangtutustos sa magiging anak ninyo.

Hindi basihan ang pagpayag mo na makipagtalik at ipaubaya ang iyong pagkababae sa iyong bf.

Una, sigurado ka bang pananagutan niya ang magiging bunga ng inyong ginagawa? Kahit na nagko-condom kayo o pills. Hindi safe iyon, ayon sa mga medical experts.

Mainam na pag-isipan mong mabuti ang iyong responsibilidad bilang anak.

Magiging nanay ka rin balang araw. Ma-lamang mag-alala ka rin kung sa anak mo naman mangyari ang ganyang bagay.

Mag-sorry ka at mangakong aayusin mo ang mga maling nagawa.

DR. LOVE

BF

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with