^

Dr. Love

Huwag kang susuko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto kong bawiin ang anak ko sa misis ko. Pero hindi ko magawa. Nawalan na nga ako ng trabaho, pati ang pamilya ko nasira.

Wala akong magawa dahil wala rin akong maipakitang katiyakan na kaya kong buhayin ang pamilya ko.

Kung tutuusin, ok na sana dahil wala akong iintindihin sa buhay at alam kong buhay sila sa piling ng biyenan ko.

Kinausap nila ako na kapag may trabaho na ako, pwede ko na silang dalawin.

Hindi ko naman magawang puntahan sila sa ngayon, dahil wala pa rin akong pera. Umaasa rin lang ako sa mga kapatid ko.

Magkapera man ako, kulang pa para sa sarili ko. Gusto ko ring ipunin pero parang matatagalan kaysa ang humanap pa ako ng mas magandang pagkakakitaan.

Nalulungkot lang ako dahil ang misis ko, parang balewala lang sa kanya na magkakahiwalay kami.

Tapos nakikita ko pa ang mga post niya, naka-make up at sasayaw-sayaw online.  Sampal para sa akin ang ginagawa niya. Parang sinasabi niya na baka may pwedeng magmahal sa akin d’yan at buhayin ang pamilya ko.

Hindi man niya sabinin, ipinararamdaman naman niya na wala akong kwentang ama ng mga anak namin.

Nagkakilala kami na ganito na ako at alam niyang hindi stable ang mga trabaho ko dahil hind nga ako tapos ng kolehiyo.

Bata pa naman ako, gusto ko lang sanang makalaya sa situwasyon na warak ang pamilya ko. Hindi ko naman ginustong mawalan ng trabaho at naghahanap ako ng paraan. ‘Yun sana ang gusto kong maintindihan ng misis ko.

Benedict

Dear Benedict,

Hirap talaga ng epekto ng pandemya sa ating bansa. Alam ko ang nararamdaman mo dahil isa rin akong tatay. Huwag kang susuko. Kung may mga pagkakamali ka man sa iyong nakaraan ay tanggapin mo ang reyalidad ngayon.

Kung anuman ang maging desisyon ng misis mo, igalang mo at ipakita mo pa rin na mahal mo sila. Walang nagbago sa iyo, kundi ang sitwasyon mo lang na walang kang pera.

Magpakatatag ka at patuloy mong ayusin ang pwede mong gawing paraan.

May awa ang Diyos sa taong katulad mo. Umasa ka na magiging maayos muli ang iyong pamilya at ang iyong buhay. Walang imposible sa kanya.

DR. LOVE

BENEDICT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with