^

Dr. Love

Tinik ng lumipas

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May mga nakaraan na ayaw man nating gunitain ay pilit na nagbabalik sa ating isipan. Wala na sigurong hihigit pa sa sakit ng kataksilan ng isang taong iyong minahal nang higit sa iyong buhay.

Sa asawa kong si Auring umikot ang mundo ko. Tutol man ang mga magulang ko sa kanya, siya pa rin ang babaeng pinakasalan ko.  Ngunit napupuno ako ng matinding galit tuwing maaalala ko ang pakikipagrelasyon niya sa ibang lalaki, kahit kami ay kasal na.

May walong taon na ang lumipas sapul nang mangyari yaon at pinatawad ko na siya nang nanikluhod siya sa akin at nangakong hindi na uulit. Oo, pinatawad ko siya alang-alang sa dalawa naming anak.

Tawagin mo na lang akong Larry 52-anyos at isang truck driver. Palagi akong wala sa bahay dahil sa trabaho kong ito na madalas madestino sa malayong lugar. Hindi ako perpekto. Kahit saan mapunta ay nagkakaroon ako ng karelasyon. Sabi ng asawa ko, ito ang dahilan kung bakit naisip niyang gumanti sa akin. Ang masakit, nahuli ko ang misis ko na gumagawa ng kalaswaan sa loob mismo ng aming inuupahang silid.

Binugbog ko ang kalaguyo niya pero hindi ko sinaktan ang asawa ko dahil mahal ko siya. Pinatawad ko siya nang humingi siya ng tawad at nangakong hindi na uulit.  Pero hindi mapawi ang nararamdaman kong sakit dahil sa kataksilan niya. Natatakot ako dahil baka pagdiliman ako ng isip at mapatay ko siya. Ano ang gagawin ko?

Larry

Dear Larry,

Ang tunay na pagpapatawad ay may lakip na paglimot. Kapag nagpatawad ka, binura mo na rin ang alaala ng nakaraan kasama ang bagong simula.

Ang pagtataksil ay nasusuklian din ng kataksilan kung minsan. Wala kang rason na magalit dahil nagtaksil ka rin sa kinakasama mo. Huwag kang double standard. Mapa-lalaki o mapa-babae, kasalanan ang magtaksil dahil sadyang nakakasakit sa isa’t isa.

Gusto mo siyang patayin? Aba, bibigat ang problema mo kung magkagayon.  Magiging kriminal ka at tutugisin ng batas.

Kung hindi maalis sa isip mo ang ganyang uri ng galit, iwanan mo na lang siya, tutal hindi naman kayo kasal. Habang nagsasama kayo at hindi ganap ang iyong pagpapatawad, baka dumating ang panahong maging kriminal ka.

Dr. Love

AURING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with