Tumibok ang puso ni Nonito

Dear Dr. Love,

Nakilala ko ang babaeng nagpatibok ng aking puso bago pa mag-ECQ, si Aira. Ang akala ko sasagutin niya ako.

Nagtatrabaho siya bilang flower arranger sa Dangwa. Si Aira ay pamangkin ng aking amo. Madalas, sabay kaming kumain at kami ang naiiwan sa pwesto ng aking amo. Marami rin kaming mga kasama rito pero ako lang yata ang nakapansin sa simple at kayumangging kulay ni Aira.

Uso ang biruan sa amin. Lagi na lang nilang bininiro si Aira na black beauty. Ito ang pinagmumulan ng pagkalungkot at pagkayamot niya habang  maghapong nag-e-entertain ng mga costumers.

Sige lang naman ang gawa ko ng mga bagong design ng mga bulaklak. Mabenta ang mga bulaklak dahil hindi naman nawawalan ng celebration, bukod pa na may namamatay.

Pinagtanggol ko si Aira sa mga kasamahan namin, na huwag na siyang biruing black beauty para raw kasing kabayo ang dating sa kanya.

Humanga siya sa akin ng sabihin kong totoo namang maganda siya.

Simula noon, napansin niyang may motibo akong ligawan siya. Kaya medyo lumalayo siya akin. Natatakot siya sa tita niya, ang amo namin. Hindi na rin siya sumasabay sa pagkain, parang hindi na niya ako gustong kibuin pa.

Umaasa akong mabibigyan pansin niya ang pagtingin ko sa kanya. Minsan hinarap ko siya at sinabing may pagtingin ako sa kanya. Handa akong gawin ang lahat para sa kanya.

Nung time na bumalik ang sigla niya, lalo na kapag magkasama kami. Mas mapalapit siya sa puso ko. WEird lang, bigla niyang sanabi na huwag na akong umasa na sasagutin niya ako, dahil papagalitan lang siya ng kanyang tita.

Nonito

Dear Nonito,

Huwag kang mawalan ng pag-asa baka naman sinusubukan lang ni Aira ang tibay ng puso mo. Ganun talaga, naniniguro ang isang babae kung tapat ang hangarin mo sa kanya. Pwede ring isang hadlang ang tita niya sa inyo, kaya siya napipigilang sagutin ka. Ituloy mo lang ang pagsuyo mo sa kanya pero alalahanin mo na huwag sa oras ng trabaho mo siya ligawan. para hindi siya napapagalitan.

DR. LOVE

Show comments