^

Dr. Love

Gustong maikasal na

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Anim na taon na kaming live ng mister ko, hanggang sa hikayatin kaming magpakasal na. Isa lang ang aming anak at hindi pa nasusundan. Nagpapabalik-balik na ang mga lider ng simbahan. Gusto ko na ring makasal kami, kahit sa civil lang.

Matagal ko nang kinukulit ang mister ko, pero marami siyang dahilan. Se-remonya lang daw iyon.

Ang mahalaga raw ay nagsasama kami ng maayos, napapalaki at napapaaaral ng maayos ang aming anak.

Lumipas na lang ang usapin tungkol sa kasal, pero nasa puso ko pa rin ang pag-asa na makakasal din kami.

Pero masaklap lang, nadisgrasya ang mister ko. Nabalian ng spinal cord, Malabo na raw makalakad.

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, Dr. Love umaasa pa rin ako na gagaling ang mister ko at maikakasal kami.

Glo

Dear Glo,

Huwag kang mawalan ng pag-asa sa nangyari sa mister mo. May plano ang Diyos sa inyo.

May awa siya, ipagdasal mo ang agarang pagga-ling niya. Wala naman imposible sa naghihimalang Manlilikha natin.

Tama rin na huwag kang mawalan ng pag-asa. Unti-unti mong ipaunawa sa kanya ang halaga ng pagpapakasal sa simbahan. Humingi ka rin ng tulong sa mga church lider ninyo na alalayan ka para maipadama nila ang malasakit ng simbahan sa isang pamilya.

Hangad ko ang buo at matatag na pamilya ninyo sa ilalim ng patnubay ng Maykapal.

DR. LOVE

vuukle comment

GLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with