Umaasa pa rin sa nakaraan

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo ako sa code name na Mr. 143. May kababata ako, tawagin na lang natin siyang Marie Grace. Nangako kami sa isa’t isa na kami ang magkakatuluyan. Pero bata pa kami noon. Magkapitbahay kasi kami at magkasundo ang aming parents.

Hanggang sa nag-abroad na sila at doon na nag-high school. Nagtsa-chat pa rin kami pero simula nang ipakilala niya si Kano, nawalan  na ko ng gana. After six years, umuwi sila rito sa Pinas. Nag-stay sila sa dati nilang bahay at muli kaming nagkaroon ng oras sa isa’t isa.

Medyo agresibo na siya. Inaaya niya ako sa kuwarto niya at ‘yun na. Nagulat ako dahil hindi na ako ang nakauna sa kanya.

Sinabi niya na hindi na kami bata at kahit nag-sex kami ay hindi ibig sabihin ay  magkakatuluyan kami. Hindi ko matanggap ‘yun.

Mr. 143

Dear Mr. 143,

Lumilipas ang panahon at nagbabago ang takbo ng utak ng tao. Masasayang ang iyong panahon at baka tumanda kang binata kung aasa ka sa nakaraan.

Tulad ng iyong kaibigan, makisalamuha ka rin sa iba. Baka matagpuan mo naman ang para sa iyo. Pero kapag may nakilala ka, igalang mo at hintayin mo ang takdang oras na maging kayo.

DR. LOVE

Show comments