Dear Dr. Love,
Nasa balag ng alanganin ngayon ang sampung taong pagsasama namin ng aking asawa na si Ruth. Tawagin mo na lang akong Mando, 43 anyos.
Bago ko nakilala si Ruth, may kasintahan ako na hindi ko alam na nabuntis ko pala. Bigla siyang naglaho, ‘yun pala ay nag-migrate sa Amerika at doon isinilang ang anak namin. ‘Yun ay nangyari dalawang taon, bago ko pakasalan si Ruth.
Ako man ay nagtaka kung bakit nawala siya nang hindi nagpasabi sa akin. Palibhasa ay napaka-liberated niya at hindi seryoso sa aming relasyon noon.
Nagulat na lang ako nang aksidente kong makita sa isang mall ang aking ex kasama ang anak namin. Kasama ko pa ang aking misis noon na nagulat dahil ang teenager na anak namin ng dating kasintahan ay kamukhang kamukha ng anak naming panganay ng misis ko. Bukod dito, nakuha ng bata ang maliit na balat sa noo gaya ng sa akin, kaya hindi pwedeng ikaila na kadugo ko siya.
Malamig ang reaksyon ng misis ko nang ipakilala ko sa kanya ang aking ex-girlfriend. Hindi ko sinabi sa misis ko na dati ko siyang katipan, kundi isa lang kaibigan. Hindi siya naniwala.
Hanggang sa nga-yon ay inaaway ako ng asawa ko at pilit inuusisa kung anak ko ang binatilyong ‘yon. Ano ang gagawin ko?
Mando
Dear Mando,
Sabihin mo ang totoo. Tutal hindi ka nagtaksil sa kanya, kundi nangyari ang iyong relasyon bago mo siya nakilala at pa-kasalan.
Isa pa, ni ikaw ay hindi mo nalalaman na nagkaroon ka pala ng anak. Kaya hindi ka pwedeng akusahang taksil ng iyong asawa.
Naniniwala ako na mauunawaan ka ng asawa mo kapag napagpaliwanagan mo siya nang husto.
Dr. Love