Dear Dr. Love,
Hindi alam ng mama ko na may gf na ako. Pati sa parents ng gf ko hindi rin alam. Patakas lang kami mag-date, nang sumulpot ang pandemic lalong nahirapan na kami magkita. Kaya nung naging viral ang lugaw, talagang sobra ko siyang na-miss, kasi panay ang daan namin noon sa lugawan ni Aling Jo.
Tama naman sila na naunahin ang pag-aaral ko. Kaso, lahat online na. Hindi ko naisip na kung pinaalam namin sa mga magulang namin ang aming relationship, siguro malaya akong nakakapunta sa kanila.
Lalo na nang nagdeklara ng essential lang dapat ang alis. Essential nga para sa ‘kin kasi gustung gusto ko nang makita uli in face to face ang gf ko.
Nakakamiss lang ang mga araw na lagi kaming nagkikita sa school. Hindi pa naman kami magklasmeyts ngayon. Ewan ko, parang inilalayo talaga ng tadhana ang gf ko sa akin.
Tuloy pa naman ang chat namin, kaso hanggang doon lang. Wala kahit konting lambingan. Eh, ngayon nakapa-sensitive niya. Laging galit kapag late kong nasagot ang call niya.
Syempre magkaiba kami ng schedule ng online class, kaya nahihirapan din ako. Tatawag siya may klase naman ako. Ano ba yan? Kakainis!
Nagpo-focus na nga lang ako sa pag-aaral para lumipas ang oras. Kailan kaya matatapos itong pandemic? Ang hirap tumawa kundi ka talaga masaya!
Baka mauna pang matapos ang relasyon namin bago pa kami maging malaya.
‘Yun ang kinakatakot ko. Huwag naman sana. Mahal ko ang gf ko, kahit matampuhin ganun lang talaga ‘yun. Kung mababasa niya ito, magbago man ang panahon, ang pagmamahal ko sa’yo ay hindi magbabago, dahil essential ka sa akin.
Jelbert
Dear Jelbert,
Konti sakripisyo muna. Bata pa naman kayo. Marami pa ka-yong oras na pwedeng magkita in the future. Siguraduhin mo lang na mahal na mahal ka ng gf mo. Para may aasahan ka sa darating na panahon.
Mahirap talaga, lahat naman apektado ng pandemyang ito. Ang maganda nadidisplina tayo at nagiging mai-ngat.
Leksyon na sa iyo na kailangan talaga na kilala ka ng parents ng gf mo para wala kang pangamba tulad ng nararanasan mo. Tandan mo, kapag mahal ka ng isang tao kahit nakangiti ka, alam niyang miss na miss mo na siya.
Ang bawat isa ay may kanya kanyang mga pagsubok. Tama ‘yang ginagawa mo, focus muna sa mga bagay na essential, tulad ng pag-aaral mo at pagtulong mo sa parents mo sa mga gawaing bahay.
Nawa’y makapagtapos ka ng iyong pag-aaral.
DR. LOVE