^

Dr. Love

Dalawang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Siguro ituturing mong pambihira ang kalagayan ko na may dalawang asawa na kapwa nakatira sa iisang tahanan.

Tawagin mo na lang akong Mamerto, 41 anyos. Hindiko layunin na ipagyabang ang aking dalawang kinakasama kundi para humingi ng payo sa problemang kaakibat nito.

Hindi ako kasal kanino man sa dalawang misis ko pero sila ay matalik na magkaibigan na parehong na-in love sa akin. Kapwa sila pumayag na kasamahin ko sa isang bahay. Dalawa ang anak ko sa una at tatlo naman sa pangalawa.

Wala sanang problema dahil malaki ang kinikita ko bilang negosyante ng junk.

Pero sabay nagkasakit ng malubha ang dalawang anak ko sa magkabilang panig. Leukemia ang sa isa at meningitis sa pangalawa.

Kahit malaki ang kinikita ko ay hindi ko ka-yang tustusan ang malaking halagang kailangan para magamot ang dalawa kong anak. Ano ang gagawin ko?

Mamerto

Dear Mamerto,

Mabigat na problema ang pinasok mo. Kung hindi ka naman talaga ubod ng yaman, hindi praktikal na mag-asawa ka ng dalawa o higit pa.  Ngayon lumikha ka ng problemang nakakataranta sa iyo.

Maraming institusyon ng pamahalaan na pwedeng mong lapitan. Mayroon ng Malasakit Center sa mga pagamutan na rito ay pinagsamasama ang mga tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa kawanggawa. Diyan ka pwedeng lumapit para mabawasan man lang ang bigat sa iyong balikat.

Ngayon nasa ganyan kang katayuan, panindigan mo ang mga kaakibat na responsibilidad. Hindi mo pwedeng basta na lang talikuran ang pananagutan sa dalawa mong pamilya.

Dr. Love

 

 

 

 

 

PARTNER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with