Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang po ninyo ako ng Baby Ruth. Introvert po ako. Mas gusto ang nag-iisa. Mahal ko na ang guy pero hindi pa ako ready sa commitment. Wala kasi akong confidence na makipagrelasyon. Naiilang ako na may kasamang lalaki. School bahay lang po talaga ang nakasanayan ko.
Pero ‘yung guy na ‘yun ay malakas ang loob at matiyagang nakikpag-usap sa akin. Naging crush ko siya dahil sa sobrang neat manamit at masyadong conscious sa mga gamit. Pero kwela siya at hindi niya pinapansin ang iba kapag magkasama kami.
Ako ang may problema, dahil mas gusto kong mag-usap na lang kami sa chat. Lalo na itong nagka-pandemic.
Ewan ko, pero sana maunawaan niya ako dahil first boyfriend ko siya kung sasagutin ko siya. Inabot lang talaga ng pandemic kaya hindi ko siya nasagot agad.
Paano ko kaya maipapaliwanag sa kanya na mahal ko na siya, pero nag-aalangan pa rin ako?
Baby Ruth
Dear Baby Ruth,
Naiintidihan ko ang nararamdaman mo. Ganyang talaga ang naiisip ng mga first time tungkol sa usapin nang pakikipagrelasyon. Kahit pa ikaw ay introvert, naniniwala ako na mababago pa yan, subukan mo lang na matutunan ang magkaroon ng self confidence.
Kung mahal ka talaga ng guy, mauunawaan ka niya. Sabi mo malakas ang loob niya at siya lang ang nagtitiyaga sa iyo. Kaya sa palagay ko, kailangan lang ay magkaroon uli kayo ng communication para maging open sa isa’t isa. Sa ganitong paraan ay magkakakilala pa kayo nang husto at sa kalaunan ay mawawala na ang worry mo sa yong pagiging introvert at sa mga lalaki, lalo na kapag naging “kayo na”.
DR. LOVE