^

Dr. Love

Nasirang pangako

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Rogelio, 25-anyos at binata pa. Mula pa sa high school, girlfriend ko na si Monet at akala ko ay siya na ang makakatuluyan ko. Madalas kaming mangarap para sa aming kinabukasan at mahal na mahal namin ang isa’t isa.

Hindi ako nakatapos ng college dahil sa kahirapan. Hanggang second year communications arts lang ang natapos ko. Nakapagtapos siya at nag-migrate sa Canada at doon namasukan bilang nurse.

Masakit sa loob ko ang kanyang pag-alis pero nangako siyang kukunin ako kapag settled na siya roon. Three years na ang nakakalipas at hindi natupad ang pangako niya. Hindi na siya nakipag-ugnayan sa akin dahil nagpakasal siya sa isang Amerikano.

Hanggang ngayon ay dinaramdam ko ang kirot ng kataksilan niya. Hindi ako makapag-move-on. Ano ang dapat kong gawin?

Rogelio

Dear Rogelio,

Blessing in disguise ang nangyari. Mabuti nga at nagtaksil siya sa iyo sa panahong hindi pa kayo kasal. Paano kung nakatuluyan mo siya at nagtaksil siya nang kayo ay mag-asawa na? Mas masakit kung magkagayon.

Ipinag-adya ka ng Panginoon sa kapahamakan, bagay na dapat mong pasalamatan.

Maaaring masakit ang naranasan mo pero paghilumin mo na ang sugat sa iyong puso at ipagpatuloy mong mabuhay. Marami ka pang makikila­lang babae na uliran at karapat-dapat sa pagmamahal mo.

Dr. Love

 

 

 

PANGAKO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with