^

Dr. Love

Kahit nasa edad na... Parents ang nasusunod

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin ninyo na lang akong Aira. Alam mo nakaka-relate ako sa dalawang celebrity na nasa wastong edad na pero pinanghihimasukan pa ng parents.

Ganyan ang nangyari sa akin. Masyadong protective ang parents ko. Ayaw nila akong paligawan. Noong una, okay lang dahil bata pa ako. Nag-iisa akong anak, kaya naiintindihan ko sila.

Mabuti kung mayaman kami, eh hindi naman. Masyado silang choosy. Kailangan sila muna ang kausapin ng guy para makilatis kung pwede nang manligaw.

Minsan ako ang napapahiya sa mga nanliligaw sa akin. Kasi kapag ayaw nila, mabilis nilang pinapaalis sa bahay. Kahit disente ang guy, hindi pa rin umuubra sa kanila.

33 years old na ako. Gusto ko na ngang mag-asawa. Graduate ako ng BS Biology, may trabaho na rin ako sa isang medical laboratory at isa na lang ang gusto, magkaroon ng love life.

Sometimes I cried dahil mahal ko na ang guy, pero pinaghiwalay pa rin kami ni papa. Wala raw akong mapapala sa guy na ‘yon. Professional at maayos din naman ang trabaho niya.

Kung hindi raw doktor o engineer ang mapapangasawa ko ay huwag na lang daw akong mag-asawa.

Aira

Dear Aira,

Mahirap minsan sa magulang ang mag-let go ng kanilang anak. Kapag mag-aasawa na ang kanilang anak, ang akala nila katapusan na ng mundo. May mga dahilan sila kung bakit ayaw ka pa nila mag-asawa. Maaaring nag-aalala sila kung ano na ang mangyayari sa iyo at kung ano na rin ang mangyayari sa kanila.

Pero tama ka naman, nasa wastong edad ka na. Ikaw na ang dapat magdesisyon para sa sarili mo. Basta huwag mong pababayaan ang mga magulang mo. Totoo, hindi na sila ang prio-rity mo kapag nag-asawa ka na.  Pero bilang anak na nagmamahal sa magulang, pwede ka namang tumulong sa kanilang pangangailangan.

Dr. Love

PARENT

STRICT PARENTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with