Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Pacita, 22-anyos at isang barangay health worker sa aming barangay. Undergraduate po ako ng kursong nursing. Mayroon po akong half sister na very close ako. Halos magkasing edad lang kami at siya ay taga Quezon City, samantalang ako ay nasa Bulacan. Once a week, pumapasyal ako sa kanya at kung minsan ay siya ang nagpupunta sa amin.
Nagkaroon ako ng boyfriend sa aming bayan. Hindi kami nagtagal dahil napansin kong playboy siya o mahilig sa chicks. Hindi siya taga-Bulacan kundi nagbabakasyon lang doon. Kasimbilis ng pagsagot ko sa kanya ang aking pakikipag-break dahil sa pagkukwento niya, na-realize ko na palikero at mayroon siyang kahambugan.
Lumipas pa ang ilang buwan at halos nakalimutan ko na siya palibhasa’y hindi naman ako masyadong seryoso ng sagutin ko siya. Hanggang minsang dalawin ako ng aking half sister, naikwento niya sa akin ang tungkol sa bago niyang boyfriend. Ipinakita niya sa akin ang larawan ng lalaki mula sa kanyang cellphone at nagulat ako dahil ‘yun ang dinispatsa kong playboy.
Medyo nahirapan ako kung papaano ko sa-sabihin sa kapatid ko na ang lalaking ‘yun ay naging kasintahan ko at idinispatsa ko na dahil sa ugali niyang nakakainis. Hindi naman siya nagalit, pero ang sabi niya, mahal niya ang aking ex at susubukan niyang i-challenge. Sabi niya, ang obserbasyon ko sa pagkatao ng lalaking ito ay napansin din niya pero hindi naman siya nababahala dahil karamihan daw sa mga lalaki ay ganoon talaga. Ano ang gagawin ko para masagip ang kapatid ko sa posibleng panloloko ng aking ex?
Pacita
Dear Pacita,
Sapat na ang binalaan mo siya. Kung igigiit mong layuan niya ang lalaki ay baka isipin pa niya na interesado ka pa rito. Tutal nasa wastong gulang na siya kaya bahala na siyang magdesisyon. Mabuti ang ginawa mong pagdispatsa sa lalaking iyan dahil kung hindi mo ito ginawa ay baka ikapahamak mo ang pakiki-pagrelasyon sa kanya. Kung minsan, ang isang taong umiibig ay nagbubulagbulagan sa mga kapintasan ng taong kanyang minamahal. Ayaw kong mag-away kayong magkapatid dahil pinapayuhan mo siyang layuan ang dati mong nakarelasyon.
Tungkol sa kapatid mo, ipanalangin mo na lang na ipag-adya siyang malayo sa ka-pahamakan at sana’y matanto rin niya balang araw na hindi ‘yun ang karapatdapat na lalaki para sa kanya.
Umaasa ako na nawa’y patuloy na ma-ging malapit at maganda ang relasyon niyong magkapatid kahit siya ay half sister mo lamang. Kahangahanga ang inyong pagmamahalan.
Dr. Love