^

Dr. Love

Langit at lupa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Arlene isang kasambahay dito sa Navotas. May kaya ang mga amo ko at dalawang taon na akong naglilingkod sa kanila. Hindi n’yo naitatanong, nakatapos po ako ng first year college sa kursong business administration pero hindi ko naipagpatuloy dahil namatay ang nagmagandang loob na magpaaral sa akin. Kaya heto, kasambahay ang binagsakan ko na sumasahod ng P6-k kada buwan.

Sa sala ng malaking bahay ng aking mga amo, may naka-display na larawan ng guwapong lalaki. Anak ng mga amo ko na pinapag-aral sa America. Lihim akong humahanga sa kakisigan niya.

Lumukso ang puso ko nang malaman ko sa aking mga amo na darating siya para magbakasyon. Pinalinis sa akin ang isang bakanteng kuwarto na panunuluyan ng lalaking crush ko.

Excited akong naghintay at nang dumating siya ay lalo akong humanga sa kababaang loob at kabaitan niya. Binati niya kaming lahat na kasambahay at bawat isa ay may pasalubong siya. Nang ipakilala ako sa kanya at nagkamay kami, parang nasa langit ang feeling ko.

Hindi ko alam kung tama ang feelings ko pero wish ko lang ay ligawan niya ako. Hindi naman kami alangan kung ganda ko ang pag-uusapan kahit pa langit at lupa ang agwat ng aming estado sa buhay. Palagay po ba ninyo ay may tsansang maging kami?

Arlene

Dear Arlene,

Huwag ka munang mag-ilusyon at huwag ipahalata ang damdamin mo sa kanya. Kung sa tsansang maligawan ka niya, huwag ako ang tanungin mo dahil hindi naman ako manghuhula.

Maghintay ka kung liligawan ka niya. Pero kung hindi, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa pagpapakita ng motibo dahil mali iyon para sa isang dalagang tulad mo.

Isipin mo rin ito, kung liligawan ka niya, posibleng gusto ka lang niyang mapagsamantalahan at iiwanan din kapag nakuha na niya ang kanyang gusto. Eh, ‘di ikaw ang masasaktan sa bandang huli.

Kaya pag-isipin mong mabuti ang gagawin mo kung dumating ang sandali ng dumiskarte siya sa iyo.

Dr. Love

KASAMBAHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with