Nahuli ni Bossing

Dear Dr. Love,

Lagot kami ng boyfriend ko. Nakita kami ng boss ko na magkasama. Ang problema hindi ako nagpaalam na lalabas ako ng lunch break. Ayaw ko kasi ipaalam na makikipagkita ako sa bf ko, medyo personal na ‘yun.

Gusto ko lang naman bumili ng regalo para sa opisina namin. Regalo para kay bossing at para sa mga kasamahan ko. Nahirapan akong mamili kaya hayun hindi ko namalayan ang oras.

Medyo natagalan kasi ako makabalik sa opisina. Nakipagkita ako sa bf ko sa isang mall na malapit sa opis namin dito sa Makati.  Ang masaklap, andun din pala si bossing. Umiwas ako at dinedma ko lang siya. Kasi ayaw kong masermunan sa loob ng mall.

Imbes na matuwa, hayun hinabol ako ng sitsit, napagalitan tuloy ako. Mabuti at hindi naghisterikal.  Nadamay pa ang bf ko. Hindi naman ako pabaya sa trabaho. Nagkataon lang na maraming tao sa cashier. At ang daming bumibili ng regalo para sa Christmas party kaya sinagad ko na.

Ang boss namin pangiti-ngiti lang kaso kapag tinopak nagsisisigaw na parang nag-aamok sa kalye.

Gusto ko sanang humingi ng paumanhin kaso baka abutan ako ng matinding sermon.

Paano po kaya ako magso-sorry kay bossing. Wala po kasi akong maiharap na mukha matapos ang eksenang iyon.

Noemi

Dear Noemi,

Next time magpapaalam ka sa boss mo kung saan ka pupunta, para alam niya lalo na kapag hindi ka makakabalik agad. Kahit sabihin mo na mabait ang bossing mo, bilang respeto mainam ang nagpapaalam.

Basic lang ‘yun, iha.  Mas mainam din na unahan mo na siya. Mag-sorry ka na agad para humupa ang galit. Huwag mo nang hintayin ang bugso ng damdamin ng bossing mo.

May tungkulin ta-yong dapat gampa-nan sa opisina sa takdang oras na bayad tayo. Hindi ka mapapahamak kapag nagpapasintabi ka. Learn your lesson, next time huwag basta-basta aalis ng hindi ka nagpapaalam.

Dr. Love

Show comments