^

Dr. Love

Kailan dapat magpatawad?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,          

Bata pa ako, idol ko na ang father ko. Malaking sakripisyo ang ginawa niyang pagpapalaki sa aming tatlong magkakapatid. Ako ang bunso at sa mura kong gulang ay iniwanan na kami ng aming ina na sumama sa ibang lalaki.

Palibhasa’y nawalan ng trabaho ang aking ama at hindi na matustusan ang layaw ng aming maluhong ina. Naging mabait ang tadhana sa amin at nakakuha ng trabaho ang ama ko bilang personal driver ng president at CEO ng isang kompanya. Nakuha ng tatay ko ang tiwala ng kanyang boss hanggang bigyan siya ng magandang puwesto sa kompanya ng de-latang pinagtatrabahuhan niya.

Unti-unting umangat ang aming kabuhayan nang tinulungan ang aming ama ng kanyang boss na makapagtayo ng grocery. Sa pagtutulungan naming magkakapatid ay umunlad ang grocery. Halinhinan kaming nagbabantay sa grocery habang ang iba ay nasa school kaya kahit medyo matagal, nakapagtapos kaming lahat, kahit vocational course.

Naaksidente ang aming ama at naputulan ng paa kaya napilitan mag-early retirement. Malaki ang separation pay na nakuha niya dahil close siya sa kanyang boss bukod pa sa disability benefit mula sa SSS, kaya lalong yumabong ang aming kabuhayan na siya na ang namamahala habang kaming mga anak ay may kani-kaniya ng trabaho.

Binabalikan kami ng aming ina matapos ma-stroke at iwanan ng kanyang kinakasama. Dapat ba namin siyang tanggapin muli?

Erick

Dear Erick,

Napakabuti ng Diyos sa inyong ama at sa inyong lahat. Maibabalik ninyo ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti tulad ng pagpapatawad sa taong nagsilang sa inyo sa mundong ito.

Gaano man kabigat ang kanyang kasalanan, siya’y nanay pa rin ninyo, isang bagay na kailanman ay hindi mababago. Ngayong stroke victim na siya, higit niyang kailangan ang kalinga at suporta ng tunay niyang pamilya.         

Kumbinsihin ninyong magkakapatid ang inyong ama na patawarin siya upang mabuo ang inyong pamilya. Give her a second change.

Dr. Love

CEO

IDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with