Dear Dr. Love,
Gusto ko lang po mag-share ng feelings ko. Hindi ko pa rin matanggap kasi na bagsak ako sa board exam. Nahihiya tuloy ako sa gf ko. Nangako kasi ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para makapasa.
Pareho kaming engineering graduates. Pareho naman kaming nag-review center at inaral ng mabuti ang mga questions sa mga evaluation exam namin.
Aaminin ko na kabado ako nang mage-exam na kami. Sa kakaisip kong pumasa, hayun baligtad ang nangyari.
Nang lumabas na ang result on line, napaiyak ako kakahanap ng pangalan ko sa listahan. Natuwa naman ako nang makita ko ang pangalan ng gf ko.
Kinausap ko siya agad sa chat at binati. Masaya ako para sa kanya. Pero dala-dala ko ang sama ng loob at panghihinayang.
Mabuti at nariyan sila mama at papa para i-console ako. At siyempre ang gf ko. Sinabi naman niya sa akin na kahit anong mangyari, still mahal namin ang isa’t isa.
Gusto ko lang talaga maka-move on. Parang gusto ko munang magpahinga at bubwelo ako kapag kaya ko na.
Masaya rin naman ako sa gf ko kasi after na makapasa siya, biglang tawag naman ang company na inaaplayan namin.
Nakakagulat lang, pero kaya ko ito Doc. Maraming salamat po.
Jack
Dear Jack,
Huwag mong masyadong damdamin ang hindi mo pagpasa sa board exam ninyo. May second chance pa. Hindi lang naman ikaw ang bumagsak. Marami ring tulad mo na nagtiyaga at umasa.
Kung nagawa mo noong una ang magkaroon ng courage, gawin mong inspirasyon ang gf mo. Huwag kang mag-focus kung papasa ka o hindi, kundi mag-focus kang maunawaan mong mabuti ang mga tanong sa exam.
Think positive ha. Walang nabawas sa pagkatao mo dahil hindi ka pumasa. Ikaw pa rin ang Jack na nangako at hindi sumusuko.
Deserve ng gf mo ang makita kang masaya para sa kanya.
Do all your sacrifices para sa gf mo, lalo na sa mama at papa mo. Pagpalain ka ng Maykapal iho.
DR. LOVE