^

Dr. Love

Dalawa ang pagkatao

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Mula sa pagkabata hanggang sa ako’y lumaki, I was so proud of my father who, despite of his being a single parent was able to raise me up and two of my other siblings well. Kaming tatlong magkakapatid ay nakapagtapos ng kurso.

Siguro, it was a mix of compassion and admiration that made us so proud of our father. Sumama sa ibang lalaki ang mother namin noong mga musmos pa kami at naiwan kami sa pag-aaruga ng aming ama na nakapagpundar ng negosyong junkshop na lumago hanggang maging isa siyang used car dealer.

Maligaya ang buhay namin hanggang isang araw, may dumating na mga pulis na may warrant of arrest laban sa kanya. Involved siya sa isang investment scam at siya umano ang utak dito. Hindi kami makapaniwala. Iginagalang ang aming ama sa aming community dahil sa pagiging matulungin. Ngunit inamin niya sa aming harapan ang kanyang pagkakasala. Nais lang daw niyang mabigyan kami ng magandang kinabukasan.

Ang paghanga at respeto namin sa aming ama ay gumuhong tila kastilyong buhangin. Dalawang pagkatao pala ang taglay niya: isang uliran at respetado at isang taong buktot ang layunin. Nakakulong ngayon ang aming ama sa salang wide-scale estafa at patuloy ang pagdinig sa kanyang kaso.

Hindi na rin namin dinalaw sa piitan ang aming ama, tanda ng aming nawalang respeto at pagmamahal sa kanya. Minsan, sinusumbatan ako ng aking budhi sa aking attitude. Pagpayuhan mo po ako.

Mila Rosa

Dear Mila Rosa,

Sa tingin ko’y uliran pa rin ang inyong ama. Mali man ang paraang ginawa niya sa pagtataguyod sa inyong magandang kinabukasan, hindi dapat mawala ang pagmamahal at suporta sa kanya dahil ano man siya, isang dugo ang nananalaytay sa inyo.

Kung propesyunal man kayo ito’y dahil sa kanya. Mali man ang paraang ginamit niya, narating ninyo ang kalagayan ninyo ngayon dahil sa kanya. Hindi mababago ang katotohanang iyan. Palatandaan iyan ng malabis na pagmamahal sa inyo ng inyong ama.

Hindi puwedeng sunugin ninyo ang inyong diploma dahil lamang ang mga ito’y bunga ng katiwalian ng inyong ama.

Higit kailan man, kailangan niya ngayon ang inyong pagmamahal. Dalawin ninyo siya at ipadama ang inyong pagmamahal sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

PAGKATAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with