^

Dr. Love

Karate Kid

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakakahiya man pero gusto ko ring ikwento ang karanasan namin ng girlfriend kong si Monay. Mahilig kaming manood ng sine kaya minabuti ko na sa sinehan na rin magtrabaho. Bilang janitor, may kakilala akong taga mall. Kaya lagi kaming libre.

Kung drama ang gusto ni Monay, syempre action naman ang sa akin, mala-Coco Martin ang dating. Gusto last full show kasi ‘yun lang ang time ko. After ng work saka kami nagkakaroon ng panahon na mapanood kung ano ang gusto namin. Sales lady ang girlfriend ko. Sakto, nagkikita na lang kami roon sa mall.

Minsan nanood kami ng movie ni Coco, ‘yung kasama si Vic at Maine.  Masaya kami…kaso habang papauwi kami, nakasakay kami sa bus papauwi…bigla na lang may tatlong lalaking sumakay, tapos nagdeklara ng hold-up.

Kinuha ang cellphone namin at nang nanlaban ang girlfriend ko, gusto ko sanang ipagtanggol siya pero wala akong magawa dahil may patalim sila.

Malas ang gabing iyon sa amin. Parang action movie ang dating, kaso hindi ako nakapalag. Ang lalaki ng katawan nila at ang tatapang ng mukha. Parang mga stuntman sa pelikula.

Nagpasalamat ang girlfriend ko dahil sa hindi ako nanlaban. Kasi nga baka nasaksak pa ako at baka nadagdagan pa ang problema namin.

Wala kaming pera…naglakad nalang kami at hindi na nag-tricycle. Kaya kinabukasan nag-absent ako sa trabaho at naghanap ng karate gym para magpaturo. Tinawanan lang ako ng master nila. Hindi raw ako dapat magtanim ng sama ng loob, kailangan ko lang ang self-defense at ng madepensahan ko rin ang girlfriend ko. Sa palagay mo po, kailangan ko ba talagang matuto ng karate para sa girlfriend ko?

Karate Kid

Dear Karate Kid,

Ayos ang kwento mo. Dapat lang na may alam kang self-defense lalo na kapag kasama mo ang girlfriend mo. Simple ang ibinahagi mo pero isang banta ito sa ating kaligtasan. Tama ‘yan kaysa magbisyo ka, ibuhos mo sa practice ang panahon mo kapag libre ka.

Hindi natin alam ang takbo ng mga tao. Kaya laging listo. Kung pwedeng makaiwas, gawin ninyo. Huwag ka namang magyayabang at maghahamon ng away dahil marunong kang magkarate. Naku, baka may mas maga-ling sa iyo. Kaya stay humble and safe. Pati si Monay, i-enroll mo rin para kahit wala ka, alam niya ang kanyang gagawin at kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

DR. LOVE

 

KARATE KID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with