^

Dr. Love

Buhay ng kabit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin ninyo na lamang akong Beth. Two years na kaming may relasyon ng isang lalaking may asawa na. Hindi ko na siya papangalanan para hindi na siya mapag-usapan.

Mahirap din ang isang kabit. Dahil lagi akong tinatago at parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa mundo. Kahit gustuhin ko na ilantad ang aming relasyon hindi para rin kami tanggap ng lipunan.

Hindi naman ako ang lumapit sa lalaki. Ang problema matagal na akong may paghanga sa kanya bukod sa gwapo talagang mabait siya. Dati ko siyang klaymeyt sa college at barkada siya ng pinsan ko. Magaling din siyang mag-basketball.

Dalaga ako at medyo naghahanap na rin ng makakasama sa buhay. ‘Yun nga lang, may  asawa ang nagkamali. Alam ko namang mali ang aming ginagawa. Pero mahal ko na siya. Mabuti at hindi pa ako nabubuntis, kahit nagsisiping kami. Gusto ko sanang tigilan na ang relasyon at ugnayan namin. Kaso ayaw niyang pumayag. Magpapakamatay daw siya kapag ginawa ko iyon.

Paano po ba ang gagawin ko? Alam kong mahal din niya ako.

Beth

Dear Ms. Beth,

Hindi naman sa pinangungunahan kita. Una, labag sa batas ang ginagawa ninyo lalo na kung legal na kasal ang lalaking karelasyon mo. Pagtataksil ang pagiging kabet. Kahit sa paningin ng tao ay hindi katanggap-tanggap, paano pa sa mata ng Diyos?

Mas mainam na pag-isipan mo nang maigi ang pinasok mong relasyon. Hangga’t maaga pa para hindi ninyo ikapahamak. Pwede ka namang makatagpo ng lalaki na walang asawa at mamahalin ka rin.  Para na rin sa mga katulad mo, sana’y unawain din ninyo ang kalagayan ng kanilang asawa’t anak.

Dr. Love

KABIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with