^

Dr. Love

Walang init si Misis

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Harinawang datnan ka ng aking sulat na nasa mabuting kalagayan. Tawagin mo na lang akong Marty. May kinalaman ang problema ko sa pagiging malamig ng aking asawa sa aming pagtatalik.

Maasikaso naman siya sa tahanan at sa aming mga anak. Wika nga, uliran siya. Wala na akong hahanapin pa maliban sa iisang bagay, lubha  siyang malamig sa aming pagtatalik. Hindi naman siya dating ganoon. Nagsimula ito nang isilang ang aming ikalawang anak. 

Madalas nga ay tumatanggi siya kapag gusto ko. At kung pagbigyan man niya ako ay parang napipilitan lang. Wala namang dahilan na isipin ko na may ibang lalaki sa buhay niya dahil sa bahay lang siya palagi at nag-aasikaso ng aming tahanan. May isa lang kaming katulong na tagapaglaba at tagaplantsa. Siya na ang gumagawa ng ibang gawain.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Marty

Dear Marty,

Ilang taon na ba ang misis mo? Minsan kapag nasa menopausal stage ang babae, posibleng  nababawasan ang hilig sa sex. May mga kaso naman na kung kailan menopause ay saka lalung uminit.

Kung hindi pa naman menopause ang babae, baka naman masyado lang siyang pagod sa gawaing bahay. Sa tingin ko, isa siyang ulirang babae pero dapat mo siyang unawain. Maglaan ka ng oras para kapwa kayo makapag-relax at makapagpahinga naman siya. Naniniwala ako na isa iyan sa mga kalutasan sa inyong problema.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with