^

Dr. Love

Konting tiis pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang mag-alsa balutan, ito ang una kong naisip para matigil na ang panlalait ng mga kamag-anak ng misis ko sa akin.

Tiniis kong lahat ang mga salita nila. Mahirap pala talaga kapag hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ang akala nila bobo ako at tamad.

Anim kaming magkakapatid at ako ang panganay, kaya ako ang nagsakripisyo para makapagtapos ng high school ang mga kapatid ko. Walang nakapag-college sa amin.

Nakikitira lang kami sa bahay ng magulang ni misis, kaya lagi niya akong pinapaalalahanan na konting tiis pa at makakaahon din kami.

Laking dagok ng pag-aasawa ko nang maaga at walang kaplano-plano sa buhay.

 Egay

Dear Egay,

Pasalamat ka sa Diyos at nakapangasawa ka ng mabait. Pakinggan mo siya, na konting tiis pa. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Patuloy kang magsikap, pasasaan ba at makakaraos din kayo. Alalahanin mo ang kinabukasan ng iyong mga anak.

DR. LOVE

 

 

TIIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with