^

Dr. Love

‘Malamig’ ang Pasko

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lagi po akong nagbabasa ng kolum ninyo. Malaking bagay para sa akin ang mga payo ninyo na kinapupulutan ko ng mga aral. Single mother ako, may isang anak pero kasama ako sa mga taong malalamig ang Pasko.

Tatlong beses kong pinatawad ang tatay ng aking anak. Mahal ko siya, eh. Pero hindi ko kinaya ang mga panloloko niya.

Ang unang ginawa niya. Nahuli kong may ka-I love you sa text. Meron pang message na, “ kita tayo mamaya, miss na kita.” Pero inisip ko pa rin na baka kabiruan lang niya ang babae, dahil hindi ko inaasahang may kaagaw ako sa kanya.

Nung tanungin ko tungkol sa text, umamin siya pero huwag ko na lang daw patulan dahil nanggugulo lang daw ng relasyon ang babaeng ‘yun.  Sige, absuwelto siya. Ok lang.

Pero nung pangalawa, tinawagan ko ang babae na mabilis na sumagot ng honey. Talagang nagpintig ang tenga ko. At nagtaray pa ang loka, sinabing wala naman akong dapat ikagalit dahil hindi kami kasal.  Dahil dito, pinalayas ko ang asawa ko. Tama ba ‘yon, Dr. Love? Ganun na lang ‘yun itinuring ko na siyang asawa pero, wala akong dapat habulin?

Ang masaklap pa, nalaman kong buntis ako nang umalis siya. Sa kabila nang  mga nangyari, tiniis ko at tinanggap ko pa rin siya.  Papunta na siya ng Taiwan nang manganak ako. Hayun, nabalitaan ko na lang na may babae rin siya roon. Saklap talaga, Dr. Love talagang malamig na malamig ang Pasko ko.

Ces

Dear Ces,

Una maraming salamat sa pagtangkilik mo sa kolum ko. Bakit nga bang may mga lalaking hindi makuntento? Tama na rin ‘yun na hindi na kayo magsama. ‘Yung nga lang talagang kailangan mong magsikap para sa anak ninyo. Mabuti kung may suportang galing sa kanyang tatay.

Matuto ka na at huwag nang paloloko.  Hangga’t maari ang anak mo na lang muna ang pagtuunan mo ng pansin. Mas mainam sa darating na paskong ito, ipagdasal mo na maging maayos ang kinabukasan ninyo ng iyong anak. Merry Christmas!

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with