^

Dr. Love

Inagawan ng best friend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Una’y binabati kita at ang lahat nang sumusu-baybay sa kolum mo. Sana’y mapagpayuhan mo ako sa problema ko, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Peter, 20-anyos.

May matalik akong kaibigan. Matanda ako sa kanya at parang tunay na kapatid ang turing ko dahil sapul elementarya ay magkalaro na kami. Kasi naman, ulilang lubos na siya at ang umaruga sa kanya ay ang kanyang mga tiyo at tiya. Ako ay nagtatrabaho bilang sales representatives at halos lahat ng pangangaila-ngan namin sa bahay ay sagot ko. Madalas nga, pati ang kaibigan ko ay tinutulungan ko sa mga monetary needs niya. Ganyan kami ka-close.

Ang napakasakit na nangyari ay niligawan niya ang girlfriend ko at na-in love sa kanya. Sa ginawa niya ay hindi ko siya mapapatawad kahit pa lumalapit siya sa akin para mag-sorry. Gusto ko siyang patawarin pero hindi ko magawa. Tulungan mo po ako.

Peter

Dear Peter,

Masakit nga ang nangyari pero ang sabi ng Diyos, maging mapagpatawad tayo at huwag magtanim ng galit.

May kasabihan na ang lahat ay patas pagda-ting sa pag-ibig. Walang kaibigan, walang kapatid.  Mabuti at nagsalawahan ang girlfriend mo habang magkasintahan pa lang kayo, dahil mas masakit kung mangyayari iyan kapag mag-asawa na kayo.

Dr. Love

 


 

 

 

BESTFRIEND

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with