^

Dr. Love

Kung sino ang gusto, siya ang ayaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dumadalangin ako na kayo ay nasa mabuting kalusugan at kalagayan habang binabasa ninyo ang aking sulat. Tawagin n’yo na lang akong Luzvimin, 23 anyos.

May katanungan pong naglalaro sa isip ko. Bakit po iba-iba ang kapalaran ng tao? May mga maliligaya sa kanilang love life at may ibang malungkot? Isa na po ako sa malungkot.

Maraming nanliligaw sa akin na hindi ko kursunada.  Ang tanong ko, kung sino ‘yung lalaking type ko, hindi naman ako nililigawan. Dr. Love, hindi ba puwedeng babae ang manligaw sa lalaki?

Sa dinami-dami ng mga nanliligaw sa akin, ni isa ay wala akong napupusuan. May nagugustuhan ako pero hindi naman nanliligaw sa akin. Sabi ng mga kaibigan ko ay maganda rin naman ako at saka mabait, kaya lang ay mukha raw akong suplada.

Ano po ba ang gagawin ko? Sana ay matulungan ninyo ako sa problema ko.

Luzvimin

 

 

Dear Luzvimin,

Iyan ang huwag mong gagawin, ang manligaw sa lalaki dahil lalabas kang hindi matinong babae.

Sa palagay ko ay hindi pa dumarating ang lalaking nakatadhanang maging lifetime partner mo. Maghintay ka lang at darating siya sa tamang panahon. Doon naman sa mga napupusuan mo, pero walang gusto sa iyo, wala kang magagawa diyan. Hindi marangal para sa isang babae ang manligaw.

Kung sinasabing mukha kang suplada, panahon na para maging palangiti ka. Nakatutulong iyan para magkaroon ng malakas na appeal ang isang tao.

Dr. Love

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with