^

Dr. Love

Mr. Lonely

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Unang-una po sa lahat, binabati ko po kayo nang mapayapa at mabiyayang araw. Hanga po ako sa love column ninyo na marami kayong natutulungang may problema sa pag-ibig.

Pakikubli n’yo na lang ang pagkatao ko sa pangalang Mr. Lonely, 35 anyos po ako at hiwalay sa misis ko.  Nandito ako sa Maynila at nagtatrabaho at siya naman ay nasa probinsiya kasama ang dalawang anak namin.

May nakapagbalita sa akin na may asawa na siyang iba at napapabayaan ang mga anak namin.

Kinuha ko na lamang ang mga anak ko. Sinabi ko sa asawa ko na hindi ako magdedemanda pero hindi na niya makikita ang mga anak namin kailan man. Tama po ba ang ginawa ko? Gusto ko  po sanang mag-asawa muli pero naiisip ko na kasal pa rin ako kahit hiwalay kami.

Mr. Lonely

Dear Mr. Lonely,

Kailangang asikasuhin mo ang pagpapawalang-bisa ng iyong unang kasal para payagan ka sa ilalim ng batas na magpakasal muli. Pero malaking halaga ang magagastos mo sa prosesong ito.

Kung may kasintahan ka na uli, huwag kang magtago ng sikreto sa kanya. Ipaalam mo sa  girlfriend mo ang nakaraan mo dahil lalabas na niloloko mo siya. Kung talagang mahal ka niya, tatanggapin niya anuman ang nakaraan mo.

Dr. Love

MR. LONELY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with