Crush lang iyan!

Dear Dr. Love,

Hello po, Dr. Love. Sana mapagbigyan mo ang sulat ko. Itago mo na lang ako sa alias na Mayah, 18 years-old. Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ang problema ko.

Tungkol ito sa aking crush na isang basketball player. Kapag nakikita ko siya, kini­kilig ako. Pero kapag hindi ko siya nakikita, kulang ang araw ko at malungkot ako.

Tama po ba kung sulatan ko siya? Ito ay para malaman niya na in-love ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita nang personal.

Kung mali ako, ano ba ang dapat kong gawin para maiwasan ang ganitong feelings?

Isa pa po, nais kong isangguni kung mabuti ang blind date. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng advice.

More power to you and God bless.

Gumagalang,

Miss Mayah

Dear Mayah,

Palagay ko, pure admiration lang ang nada­rama mo. Lahat ng kabataan ay dumaranas ng ganyang damdamin na hindi dapat ipagkamali sa love.

Huwag mo lang masyadong guluhin ang utak mo sa kaiisip sa kanya. Huwag na huwag mo rin siyang susulatan dahil hindi maganda para sa babae ang manligaw sa lalaki.

Habang nagma-mature ka.. alam kong mag­lalaho rin ang feelings na iyan at sa tuwing ma­aalala mo ay pihong matatawa ka pa sa sarili mo. 

‘Yun namang blind date, hindi ko maipapayo iyan dahil marami nang napahamak sa pakikipag-date sa hindi kakilala. Kung may inte­resado sa iyo, makipagkaibigan muna at lumagay sa ayos.

Dr. Love

Show comments