^

Dr. Love

Long honeymoon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Good day to you, Sir. Ako po si  Ningning, 48 anyos at may asawang napaka-romantiko kahit 55 years old na siya. Akala ko, ang pagiging mainit niya sa sex noong bagong kasal kami ay mababawasan sa paglipas ng mga panahon. Hindi pala.

Sa totoo lang, dahil ako’y menopause na, may mga pagkakataong naiirita ako sa pakikipagtalik at umaayaw na ako. Pero kadalasan ay pinagbibigyan ko na lang siya kahit nasasaktan na ako.

Ipinaliwanag ko na ang aking kalagayan. Sabi ko, puwede naman naming gawin kahit minsan sa isang linggo dahil nahihirapan na ako. Pero nakikita ko na nananamlay siya. Gusto niya, gabi-gabi. Mabuti siyang asawa at alam kong hindi siya nambababae. Ano ang dapat kong gawin? Tulungan mo po ako.

Ningning

 

Dear Ningning,

Congrats sa pagkakaroon ng asawang uliran at “one woman man” bagaman at masyadong romantiko. Kakaiba ang problema mo dahil ‘yung ibang babae ay inirereklamo ang pangangaliwa ng kanilang asawa. Ikaw naman ay problema mo ang pagiging sobrang romantiko ng mister mo.

Kumunsulta kayo pareho sa duktor. Mahirap kung pipigilin ang panggigigil ng lalaki. Baka matutong mangaliwa. Ang sabi ng Biblia, hindi dapat ipagkait ng mag-asawa ang sarili sa isa’t isa at wala namang sinasabing edad na dapat nang tumigil sa pagtatalik.

Sa pagkakaalam ko, may mga lubricants na maaaring iriseta ang duktor para mawala ang paghapdi sa pakikipagtalik.

Dr. Love

 

vuukle comment

HONEYMOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with