^

Dr. Love

Palaging bigo sa pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Onyok, 15-anyos at high school student. Ang problema ko ay kung paano magkaka-girlfriend.

Lahat ng mga kaklase ko ay may mga siyota na pero ako ay wala. Ilang beses na akong sumulat ng love letter sa mga babaeng nagustuhan ko pero hindi sinasagot. Minsan nga, sa tingin ko ay pinagtatawanan pa nila ako. Kasi kung magdadaan ako sa harap nila ay nagbubulungan at nagtatawanan sila.

Baka kaya dahil sa itsura ko. Bukod kasi sa pandak ako ay patpatin pa ang katawan ko. Minsan nga ay napagkakamalan akong ten years old at tinatawag na “boy” ng mga nakatatanda.

Gusto kong subukang mag-weights para tubuan ako ng muscle at magkaroon naman ako ng porma. Hindi naman kasi ako pangit kundi talagang maliit lang ako. Gusto siguro ng mga babae ay ‘yung mga matatangkad.

Ano ang dapat kong gawin?

Onyok

Dear Onyok,

Kinse anyos ka pa lang kaya puwede munang i-postpone ang panliligaw. Lumalaki ka pa. Malay mo baka sa isang taon ay tatangkad ka na rin.

Noong araw, may mga kaklase ako na mas maliit sa akin at niloloko-loko ng ibang kaklase ko. Aba eh, nag-summer vacation lang pagda­ting ng pasukan ay matangkad pa sa akin!

Huwag kang mag-weights kung kulang ka sa heights ngayon at baka lalo kang hindi tumangkad.

Siguro gusto muna ni Lord na mag-focus ka sa pag-aaral na mas importante. Huwag mong kainggitan ang mga kaklase mong may mga siyota pero hindi inaasikaso ang pag-aaral.

Mag-aral kang mabuti at kapag edukado ka na sa tamang panahon ay ikaw ang kaiinggitan.

Dr. Love

ONYOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with