Easy to get

Dear Dr. Love,

Warmest greetings to you, my favorite love advicer.  Pwedeng tawagin mo na lang akong Ritaritz, dalaga sa edad na 28.

Naging man-hater kasi ako dahil dalawang beses akong niloko ng lalaki.

‘Yung una ay binreak ko dahil sinungaling. Sinabi binata, ‘yun pala ay may-asawa na. Buti na lang nalaman ko bago ko maibigay sa kanya ang sarili ko.

‘Yung ikalawa ay binata at nai-surrender ko ang aking pagkababae sa kanya pero pagkatapos nun ay naglaho na lang parang bula.

Natatakot na po akong mag-boyfriend baka pare-parehong manloloko. Ngayon ay may nanliligaw uli sa akin. Bata siya nang limang taon sa akin. Simpatiko sana pero natatakot na ako.

Pagpayuhan mo po ako.

Ritaritz

Dear Ritaritz,

Ang bawat manliligaw ay dapat munang kilatising mabuti ang pagkatao. Hindi padalos-dalos ang babae, maingat dapat ang pagbigay ng matamis na oo.

Ganyan ang ibang lalaki kapag naisahan ang babae. Kasi ipinakita ng babae na easy to get siya. Agad ibinibigay ang sarili, ayaw ng lalaki ‘yun. Sino ba namang lalaki ang maghahangad na pakasalan ang babaeng marami nang pinagdaanan? ‘Yun agad ang iniisip ng lalaki kapag nakuha nila agad ang isang babae.

Kung may dapat sisihin sa nangyari sa iyo, sarili mo ‘yun. Hindi masamang umibig uli pero ingat ka na sa susunod.

Dr. Love

 

Show comments