^

Dr. Love

Alaala ng ina o kaligayahan ng ama?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po intensiyon na ipagdamot sa daddy ko ang kaligayahang hinahangad niya. Pero dahil isang taon palang ang nakakalipas mula nang mamatay ang mommy ko, hindi ko po nagawang makasagot nang sabihin niya sa amin ng kapatid na gusto niya kaming isama para makilala si Carla, ang dati niyang partner.

Cancer po ang umagaw sa buhay ng aming ina. At hindi po madali ang proseso, dahil lumaban si mommy pero talagang malupit ang sakit na ‘yun.

Makaraan ang babang-luksa, kinausap kami ni Kuya Dencio ni daddy.

Sinabi niyang bibisitahin niya si Carla, isang biyuda na may dalawang anak. Ang isa raw ay ka­patid namin sa ama, anak nila. Teenager palang nang magkaroon sila ng relasyon at dahil ayaw ng magulang ni Carla sa pangkaraniwang estado ng pamilya nila daddy, ipinakasal ito sa Amerikano. Mayaman at kilalang pulitiko raw sa kani­lang lalawigan ang mga magulang nito.

Namatay na rin ang asawa ni Carla kaya umuwi sila ng Pilipinas, ang anak lang daw nila ni daddy ang naisama dahil nagpaiwan ang anak nito sa Amerikano.

Gusto po ni daddy na bigyan ng pangalan ang kanilang anak ni Carla at paligayahin ang matagal na niyang mahal.

Naisatinig ni kuya ang pagtutol niya, pero ako po ay hindi nakasagot. Dr. Love dama ko po na mas mahal ni daddy si Carla, kaysa sa mommy ko. Ano po ang dapat kong isagot? Kapag puma­yag ako, parang umayon na rin ako na kalimutan na ang mommy ko. Pero ayaw kong pagdamutan ng kaligayahan niya ang daddy ko. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Melissa

Dear Melissa,

Hindi naman nangangahulugan na sa pagha­hangad na makipagkita ng inyong daddy kay Carla ay isinasaisantabi na niya ang alaala ng inyong mommy.

Marahil gusto na niyang makakawala na sa pagluluksa. Naniniwala ako na hindi mamasamain ng daddy mo kung ipakikiusap mo na bigyan kayo nang sapat na panahon para makapag-adjust sa malaking kawalang naiwan ng inyong ina. Dahil hindi naman kayo hahadlang sa kaligayahan sa pagdating ng inyong half-sister at posibleng pagsasama nilang muli ng kanyang teenage sweetheart.

DR. LOVE

 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with