^

Dr. Love

Umibig ang matandang binata

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong matandang binata, 51-years old. Nahulog po ang aking kalooban sa isang 21-year old na kaopisina ko ngunit binasted niya ako nung nagtangka akong ligawan siya noong nakaraang Pasko. Itago na lamang natin siya sa pangalang Angge.

Nahulog po ako sa kanya dahil sa kakaiba ang ugali niya kahit medyo isip bata siya. Nang dahil sa pareho kaming mahilig sa mga tula, photography at mga sanaysay ay sinubukan ko siyang yayain mag-date at magsimba ngunit lagi niya akong hindi pinagbibigyan.

Nagpapahiwatig siya na parang hindi siya interesado sa kabila ng pagrereto sa amin ng lahat sa opisina. Nang mag-email ako sa kanya, tungkol sa intensiyon ko nag-reply siya na mas mabuti pang magkaibigan at kapatid sa hanapbuhay na lamang ang turingan namin.

Noong nakaraang biyernes, Hunyo 3 ay kaarawan niya at sabay kaming kumain ng iba pang magkakaopisina. Ayos naman ang lahat. Sa ngayon, ako po ay litung-lito na. Hindi ko na alam kung mag-move on and get over o ipaglaban ang damdamin ko. Salamat po sa inyong pagtugon.

Vanjoe

Dear Vanjoe,

Ayaw kong idis-courage ka pero hindi puwedeng daanin sa sapilitan ang babaeng walang nararamdaman para sa iyo.

Manatili kang isang mabuting kaibigan para sa kanya at baka sakaling ma-develop siya sa iyo. Marami akong alam na ganyang kaso. Nakuha sa tiyaga, hindi sapilitan.

Kung may problema siya, ipakita mo ang taus-pusong pagdamay. Pero kung igigiit niya na manatili lamang kayong friends, dapat tanggapin mo iyon ng buong puso.

Dr. Love

2016 RIO OLYMPICS

BASKETBALL

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with