Naghahangad pa rin sa ‘muntik na’

Dear Dr. Love,

Madalas sinasabi magandang foundation ang friendship sa pagpasok sa relasyon. Ito po ang ginawa kong tulay para makuha ang atensiyon ng lalaking type ko.

Madaling mapalapit kay Amir dahil iisa ang department na pinapasukan namin at madalas ay magkaugnay ang trabaho namin. Kaya sa madaling salita ay naging magkaibigan kami.

Sa simula pa lang alam kong more than friends ang gusto kong maging relasyon namin. Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili na magparamdam sa kanya.

Minsan ay nakita kong problemado siya kaya mala-rescuer ang approach ko bilang kaibigan. Niyaya ko siyang lumabas at habang umiinom nag-open ako ng conversation, tinanong ko kung ano ang problema.

Nag-away silang mag-asawa at nahihirapan siya sa adjustment nang pagkakaroon ng anak. Sa mga sinasabi ni Amir, nagsisisi siya sa naging desisyon niya. Maya-maya’y nagsabi na siyang uuwi na. Ayaw ko pa sana, Dr. Love dahil gusto ko pa siyang makasama.

Habang nasa loob ng kotse ko, sinubukan ko siyang yayain kung saan and there is certain point na hindi ko mapigilan ang sarili ko, attempting to show him that I like him.

Muntik nang mauwi ang gabi ‘yun sa kung saan, kundi lang paulit-ulit na tumatawag ang asawa ko. Yes, married na rin ako pero hindi happy at wala kaming anak ni Ted.

Mahigit limang taon na ang lumipas mula noon, Dr. Love pero hindi ko pa rin makalimutan ang gabi ‘yun na muntik na. Wala na ako sa company kung saan kami nagkakilala ni Amir. Pero maliit lang ang mundo at kung gugustuhin ko, magagawa kong maging visible muli sa ­aking ideal man.

Alam ko pong mali, Dr. Love. Pero nanaig ang pagmamahal ko kay Amir at hindi ko ito maitago lalo na kapag nakikita ko siya. May abnormality bang nangyayari sa akin?

Kristine

Dear Kristine,

Kung hindi mo matututunang supilin ang m­aling emosyon mo para sa taong pamilyado na, masasabing may abnormalidad o hindi normal na nangyayari sa iyo dahil may asawa ka ring tao. Ang maipapayo ko, ayusin mo ang sarili mong buhay at hayaan mong maging tahimik ang buhay nang may buhay.

DR. LOVE

Show comments