Dear Dr. Love,
Una sa lahat ay nagpupugay ako at bumabati ng isang mabiyayang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Zeny, 22-anyos at isa pang dalaga.
Hindi ko alam kung maniniwala ka pero kahit sa edad kong ito at sa kabila ng pagiging tapos ko sa kolehiyo, pinagbabawalan pa rin akong makipagligawan ng tatay ko.
Limang taon nang namamatay ang nanay ko at ang lahat ng kapatid ko, dalawang lalaki at isang babae ay pawang may asawa na.
Ang tatay ko ay malapit nang maging 80- anyos at ang sabi niya, huwag ko raw siyang iiwanan hangga’t buhay pa siya. Bukod sa akin, ang tanging kasama niya sa aming bahay ay ang dalawang katulong. Nagtatrabaho po ako bilang teller sa bangko at batid ng boyfriend ko ang aking katayuan kaya lihim ang aming relasyon.
Pero siya ay naiinip na rin dahil gusto na rin niyang magpakasal kami. Ano ang gagawin ko?
Zeny
Dear Zeny,
Ayaw kang mawala ng iyong ama sa piling niya kaya ganun. Pero kausapin mo siya at kumbinsihin mong pumayag na siyang mag-asawa ka dahil ikaw ay nasa edad na.
Kung ayaw niyang mawala ka sa piling niya, ipagsama n’yo siya ng iyong asawa. Sa edad nga naman niya na otsenta, mahirap na wala siyang kaanak na lumilingap sa kanya.
Dr. Love