^

Dr. Love

Kapwa gay ang magulang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay kinse anyos  at itago mo na lang sa pangalang Gaynor.

Ano po ba ang dapat maging feeling ng isang tulad kong teenager kapag nalaman ang matagal nang sikreto ng aking mga magulang?

Nalaman ko sa isang tiyahin, kapatid ni nanay, na abnormal ang aking pamilya. Lesbiyana ang aking ina at binabae naman si tatay.

Pero never nilang ipinakita sa akin ang tungkol sa kasarian nilang ito. Lumaki ako na nakikitang disente ang aking mga magulang at ang buong atensiyon nila ay nasa akin.

Hindi po marangya ang buhay namin pero malinaw sa akin ang pagsisikap nila sa pagtitinda sa palengke para makapag-aral ako.

Ang sabi pa ni Tita Baby, dahil sa kagustuhan maging normal ang pamumuhay kung kaya nagpakasal sina nanay at tatay, at ang pagdating ko ang ganap na nakapagpabago sa kanila.

Ang gusto ko lang pong malaman, Dr. Love, ang pagiging tomboy at binabae po ba ay namamana?

Maraming salamat po at mabuhay kayo sa inyong itinataguyod na malasakit sa mga tulad kong may problema.

Gumagalang,

Gaynor

Dear Gaynor,

Sa pagkakaalam ko, hindi. May tinatawag na gender preferences ang mga expert. Ma­raming factor na nakaaapekto rito. Pwedeng makita ang mga research na naisulat na sa internet tungkol dito, minsan i-research mo para ma-enlighten ka.

Gusto ko lang din sabihin, na you are so bless sa pagkakaroon ng mga magulang, na ginustong magbago para matiyak ang ma­gan­dang kinabukasan mo. Lagi mo sana itong isaisip at sikapin na tumbasan din ng pagmamahal.

DR. LOVE

ACIRC

ANG

ANO

DEAR GAYNOR

DR. LOVE

GAYNOR

GUMAGALANG

LAGI

LESBIYANA

STRONG

TITA BABY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with