Mama’s boy

Dear Dr. Love,

Mapagpalang araw sa iyo. Itago mo na lang ako sa alias na Anne, 25-anyos. Bata nang 3 taon sa akin ang aking asawa.

Nakita ko sa kanya ang katangian ng hina­hanap kong lalaki nang nanliligaw pa siya, kaya siya ang pinili ko sa marami kong manliligaw.

Hindi ko pinansin ang mga warning sa akin ng mga kaibigan na baka magsisi ako dahil masyadong bata ang pinili ko.

Nagpakasal kami two years ago at sa umpisa pa lang ay pumisan na kami sa kanyang ina, na isa nang biyuda. Akala ko temporary lang iyon. Maganda naman kasi ang trabaho niya at puwede kaming bumili ng bahay o kaya ay mangupahan. Pero hindi.

Sabi niya sa akin, habang nabubuhay ang mama niya ay doon muna kami dahil isa na itong biyuda. Pero bata pa ang nanay niya, 50-anyos lang at nangangahulugan ba na maraming taon ng buhay namin ay hindi kami makakapagsolo?

Nakita ko rin na masyado siyang sunud-sunuran sa nanay niya. Minsan, sasabihin niya sa asawa ko na samahan siyang matulog sa kuwarto dahil natatakot siya.

Masyado na akong nasasakal. Ano ang gagawin ko?

Anne

Dear Anne,

Mali ang ginagawa ng iyong asawa. Sabi ng bibliya, ang anak na mag-aasawa ay lilisanin ang magulang at makikisama sa mapapangasawa bilang iisang laman.

Sa kaso ng mama niya, understandable na naisin niyang doon muna kayo tumira dahil wala nang kasama ang ina niya.

Pero kalabisan na ‘yung samahan pa niya sa kuwarto ang kanyang ina at iiwan kang mag-isa.

Mag-usap kayong mabuti at magpaliwanagan. Sana ay makuha ang problema ninyo sa maayos na usapan at komunikasyon

Dr. Love

Show comments