Skeleton in the closet

Dear Dr. Love,

Mabiyayang Pasko sa iyo at sa lahat ng readers ng Dr. Love.

Tawagin mo na lang akong Rodelia 23 anyos. Aliw na aliw ako sa kolum mo dahil marami akong napupulot na aral. Kaya heto ako ngayon at mismong humihingi ng payo sa iyo. Sana ay paunlakan mo ang sulat ko.

Pasensya ka na dahil hindi ko ibinigay ang totoo kong pangalan. Maselan kasi ang problema ko. Nung ako ay 19 anyos, ako ay naging rape victim. Ni magulang ko ay hindi alam ito hanggang ngayon. Ako lang ang nakakaalam at ang taong nan-rape sa akin na nabalitaan kong namatay sa isang motorcycle accident last year. Nakahinga ako nang maluwag nang mangyari yaon dahil wala na akong takot na mabubunyag pa ang aking sikreto.

Nagtatrabaho ako sa isang banko bilang teller at mayroon akong boyfriend. Niyayaya na niya akong magpakasal. Pero nangangamba ako na paano kung matuklasan niyang hindi na ako virgin? Nawawala ba ang virginity kahit minsan lang ito nangyari?

Isa pang tanong, kailangan ko bang ipagtapat ang pangyayari sa kanya? Pagpayuhan mo ako.

Rodelia

Dear Rodelia,

Hindi mo isinalaysay ang buong situwasyon ng pagkakahalay sa iyo pero heto ang masasabi ko. Wala kang kasalanan dahil hindi mo ginusto ang pangyayari. Nawawala ba ang virginity kahit minsan lang nakipagtalik? Oo naman. Pero mas importante ang linis ng iyong loob.

Tutal nagkaroon ng divine justice. Diyos na mismo ang kumuha sa buhay ng iyong rapist kaya hindi ka na mangangamba.

Dapat mo bang sabihin sa kasintahan mo ang nangyari? Dapat dahil baka sa unang gabi ng inyong pagniniig ay mapansin niya iyan, maghihinanakit siya sa iyo. Be open and transparent.

Dr. Love

Show comments