^

Dr. Love

Tibo ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati muna ako sa inyo ng isang mapagpalang araw.

Ako po ay isang ina na labis na nababahala sa kaisa-isa kong babaeng anak. Apat ang aking anak at ang tatlo ay puro lalaki. Tawagin n’yo na lang akong Viola, 45-anyos. Matagal na po naming ipinapanalanging mag-asawa na magkaanak ng babae at nagalak kami nang ito ay natupad. Pinangalanan namin siyang Esther at noong siya ay naging dalagita, napansin namin na ang hilig niya ay larong panlalaki.

Ngayon ay 15-anyos na siya pero ayaw niyang magbestida at ang gusto ay t-shirt at maong pants.

Kung umasta siya ay parang lalaki at ito’y labis naming ikinababahala. May paraan ba para mabago ang kanyang gawi?

Viola

Dear Viola,

Walang makapagpapabago sa anak ninyo maliban sa kanyang sarili. Iyan ay kung gugustuhin niya. May mga alam ako na kilos lalaki lang pero nakapag-asawa ng lalaki. Baka naman ganyan ang inyong anak.

Ang mahalaga ngayon ay hubugin ninyo siya sa magandang asal at obserbahan ang mga pagbabago sa kanyang ugali.

Diplomasya at pang-unawa ang kailangan sa pag-aaruga sa kanya. Huwag ninyo siyang kagagalitan dahil sa kanyang kakaibang kilos.

Dr. Love

ANG

APAT

BUMABATI

DEAR VIOLA

DIPLOMASYA

DR. LOVE

HUWAG

IYAN

MATAGAL

NGAYON

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with