^

Dr. Love

Iresponsableng mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello, Dr. Love at  kumusta po kayo? Sana ay mapaunlakan mo ako sa hinihingi kong counseling na ito.

Tawagin mo na lang akong Lucina dating nagtatrabaho sa ibang bansa. Heto po ang problema ko. Dati’y hirap ang buhay naming mag-asawa hanggang ipasya kong magtrabaho sa Dubai.  Ito ang dahilan kung bakit medyo umasenso kami.

Pero sa pag-asensong ito ay nakita ko ang pagbabago sa ugali ng mister ko. Naging tamad siya at nag-resign sa trabaho dahil malaki ang kinikita ko. Wala akong kamalay-malay sa abroad na wala na pala siyang trabaho.

Nang bumalik ako sa Pilipinas, akala ko’y may kaayusan na ang tahanan. Parang dati pa rin ang aking dinatnan.  Isa pa, nalulong sa masamang bisyo ng pag-iinom ang asawa ko. Dahilan ito para mawala ang respeto ko sa kanya.

Dr. Love, ibig ko na siyang hiwalayan. Ang kailangan kong katuwang sa buhay ay yaong responsable at masikap para magkaroon ng future na maganda ang aming pamilya.

Ano po ang maipapayo ninyo?

Lucina

Dear Lucina,

Makikipaghiwalay ka para makahanap ng responsible at masikap na partner sa buhay? Ewan ko lang pero paano mo matitiyak na makakakuha ka ng ibang mas mabuti kaysa sa naging tamad mong asawa. Paano kung masahol pa pala ang makuha?

Pero karapatan mong magdesisyon sa sarili mong problema. Ngunit balido ang kasal mo sa iyong asawa at  bago ka makipagrelasyon sa iba, kailangan munang mawalan ng bisa ang kasal mo.

Kumunsulta ka muna sa abogado sa bagay na iyan.

Dr. Love

ANG

ANO

DAHILAN

DATI

DEAR LUCINA

DR. LOVE

DUBAI

EWAN

HETO

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with