^

Dr. Love

Walang tiwala si misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Ako po si Richard, 27-anyos at may asawa’t tatlong anak. I love my wife. Tawagin na lang natin siyang Leny. Sobra po siyang selosa na aking pinoproblema. Sa loob ng walong anim taon naming pagsasama, tingin ko’y patindi nang patindi ang pagseselos niya. Aaminin ko po na noong una ay naaaliw ako sa pagseselos niya. Alam ko kasi na tanda raw ito ng pagmamahal. Kaya kapag nagseselos siya sa akin ay tumataas ang aking kumpiyansa na mahal ako ni misis.

Pero sa nakalipas na dalawang taon ay pinag-aawayan na namin ito. Madalas ay wala sa katuwiran ang matinding galit niya. Wala akong ginagawang masama at hindi ako nagtataksil. Pero kaunting late lang ng uwi ko ay siguradong aawayin na niya ako. Halos araw-araw ay nangyayari ang pagseselos na ito. Ayaw ko naman po na maging dahilan ito ng aming paghihiwalay. Ano ang gagawin ko Dr. Love? Sana ay matulungan niyo po ako sa suliranin kong ito.

Richard

Dear Richard,

Unawa ang kailangan. Baka kulang ka lang ng karinyo sa kanya? Ipasyal mo siya kapag wala kang trabaho. Kumain kayo sa labas. At doon niyo pag-usapan ang mga nangyayari, at siguradong mapapaliwanagan siya na safe at wala siyang dapat ipag-alala sa inyong pagsasama.

Kung ano ang ginagawa mo noong nililigawan mo pa siya ay gawin mo. Dito ay mabi-build up ang self confidence niya sa inyong pagsasama. Sana ay natulungan ka ng pitak na ito.

Dr. Love

AAMININ

AKO

ALAM

ANG

ANO

AYAW

DEAR RICHARD

DR. LOVE

PERO

SANA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with