^

Dr. Love

Buksan ang linya ng komunikasyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 Magandang araw po. Matagal na po akong tagahanga ng inyong column. Tawagin n’yo na lang po akong Eric. Wala kaming anak ng napa­ngasawa ko at tatlong taon pa lang naikakasal.

 Gusto ko po ihingi ng payo ang tungkol sa kabaliktarang pagkataong taglay ng aking asawa, na taliwas sa lahat ng pagpapakilala niya sa akin. Noong hindi pa kami naikakasal, pinaniwala niya akong maka-Diyos siya, mapagkakatiwalaan, sanay sa hirap at pagnenegosyo. Pero nung makasal na kami, lumitaw ang tunay niyang pagkatao na, tsismosa, sinungaling, tamad, magnanakaw at traydor.

Maraming beses ko na po siyang pinatawad, pero hindi siya nagbabago.

Kahit sariling magulang niya ay sumusuko pala sa kanyang katigasan ng ulo.

Winaldas po niya, Dr. Love ang lahat ng mga pinaghirapan ko sa abroad. Marami siyang pinasok na negosyo na papalaguin niya raw, pero nauwi sa pagkabaon sa utang. Ang mga manini­ngil pa niya ang nagsabi ng tungkol dito sa akin.

Nagpatayo pala siya ng bahay para sa kanyang pamilya nang hindi ko alam. Ang mga kapatid niya ang gumagamit nito dahil hirap silang makatulog dahil sa nawawala na isa pang kapatid na may diperensiya sa pag-iisip. Itinago po niya at ng pamilya niya ang bagay na ito sa akin. Sinabi rin niyang may titulo ang bahay, pero ang katotohanan ay wala.

 Salamat po sa inyong payo.

Eric

Dear Eric,

Baka nakasara ang linya ng inyong komunikasyon kaya buksan mo ito. Ibig sabihin, mag-usap kayo at alamin ang puno’t dulo ng kanyang inuugali.

Sa ganyang mga kaso ng pagsasama,  bagamat babae ang dapat maging tesorera ng pamilya, may karapatan ang lalaki na akuin ang ganyang responsibilidad at bigyan mo ang iyong asawa ng papel bilang kaagapay mo lang.

Komo ikaw ang mas responsable, pakinggan mo lang ang kanyang mga suhestiyon pero lahat ng major decision, lalo na sa pananalapi ay ikaw ang dapat magpasya.

Higit sa lahat, lagi kayong magdasal na dalawa. Pagbulayan ang Word of God na magkasama kayo at makikita mo na may malaking himala na mangyayari sa buhay mo.

Dr. Love

ACIRC

ANG

DEAR ERIC

DIYOS

DR. LOVE

HIGIT

IBIG

ITINAGO

NIYA

STRONG

WORD OF GOD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with