^

Dr. Love

Mas pabor sa kamag-anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa lang ang pakiusap sa akin ng aking asawa matapos kaming makasal at magsama na sa ilalim ng isang bubong. Pakisamahan ko raw mabuti ang kanyang mga kamag-anak na taga-probinsiya  lalo na ‘yung mga pinagkakautangan niya ng loob noong binata pa siya.

Ayaw daw niyang mapipintasan nila ako dahil ang alam nila, ako ay suplada.

Ang sabi ko noon sa aking asawa, basta hindi nila sasamantalahin ang pagmamagandang loob ko, okey lang sa akin ang isa o dalawang araw na pakikituloy sa aming tinitirahang maliiit na apartment.

Very accommodating kasi ang asawa ko at palib­hasa kapag naawitan na magpainom, dudukot na agad at magpapabili ng agua de pataranta  kasama na ang pulutan.

Matagal kong tiniis ang ganitong sitwasyon na ang tirahan namin ay mistulang hotel hindi lang ng mga kamag-anak ng asawa ko, kundi maging ng mga kababayan niya.

Walang buwan na walang tao sa bahay at ang budget namin sa isang buwan ay lumobo kaya’t laging deficit spending.

Minsan tinawagang pansin ko na ang mister ko na masyado na kaming sinasamantala ng kanyang mga kamag-anak, pero nagalit pa siya sa akin. Hinahamak ko raw ang mga kamag-anak niya.

Paano po ba ang mabuti kong gawin para matigil na ang ganitong sitwasyon? Ang naiisip ko, tanggapin na ang alok ng nanay ko na makitira na muna kami sa kanila para hindi mapabayaan ang mga bata. Alam kong hindi papayag ang asawa ko dahil sa kanyang pride.

Pero damdam ko, hindi na ako tatagal sa ganito dahil lumalabas na mas pinahahalagahan pa ng asawa ko ang mga kamag-anak niya kaysa amin. Ayaw niyang may masabi ang mga kamag-anak niya sa kanya. Pero paano naman kami? Hihintay in ko po ang mahalaga ninyong payo at maraming salamat.

Gumagalang,

Doris

Dear Doris,

Kausapin mo ng masinsinan ang mister mo at sabihin mo lahat ng saloobin mo sa kanya. Subukan mo muna, baka naman umubra kapag nai-open mo sa kanya ang kalagayan ninyong mag-iina. Kung dedma pa rin, saka ka magbigay ng ultimatum na kung mananatiling mas papaboran niya ang mga kamag-anak ay hindi ka magdadalawang-loob na tumira sa iyong nanay.

DR. LOVE

ACIRC

ALAM

ANAK

ANG

AYAW

DEAR DORIS

DR. LOVE

KAMAG

MGA

PERO

STRONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with