^

Dr. Love

Studies first

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung pwede ay huwag na lang i-publish ang buo kong pangalan. Just call me Dexter, 18-an­yos. May dalawang taon pa po bago ako matapos sa aking kursong civil engineering.

Mayroon po akong girlfriend for 6 months na schoolmate ko. Pinagbabawalan ako ng aking mga magulang na manligaw at makipagrelasyon  hangga’t hindi ko nakukumpleto ang aking pag-aaral.

Kinagalitan nga ako nang malaman nila na may kasintahan na ako kasi may nakakita sa amin ng girlfriend ko na nanood ng sine. Binantaan ako ng parents ko na hindi na ako papag-aralin kung hindi ako titigil sa pakikipagtagpo sa aking siyota.

Kaya puro text na lang kami. Hanggang nakipag-break sa akin ang girlfriend ko at sinabing ayaw niya sa mama’s boy. Ano ang gagawin ko?

Dexter

Dear Dexter,

Magandang kurso ang kinukuha mo, Dexter. Maganda rin ang intensyon ng magulang mo na makapagtapos ka muna. Sa pakinabang mo rin yaon.

Humingi ka ng permiso sa parents mo na makikipagtagpo ka sa girlfriend mo para sabihin ang kanilang punto na pag-aaral muna ang bigyan ng atensyon. Papayagan ka naman marahil nila.

Tapos ipaliwanag mo sa girlfriend mo ang situwasyon, na ang inyong pansamantalang pagwawalay ay para rin sa inyong kapakanan. Marahil naman ay mauunawaan niya ito.

Kung sadyang kayo’y para sa isa’t isa, panahon lang ang makapagsasabi. Kung hindi mo siya makukumbinsi, ang masasabi ko’y marami ka pang makakatagpong babae na mas magiging mabuting lifetime partner para sa iyo.

Dr. Love

ACIRC

AKO

ANG

ANO

BINANTAAN

DEAR DEXTER

DR. LOVE

HANGGANG

HUMINGI

KAYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with