^

Dr. Love

One more chance

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Salamat po at napagbigyan niyong maitampok ang aking sulat, Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan sa pagtanggap niyo ng sulat ko, Dr. Love.

Tawagin niyo po ako sa ngalang Joanna, 21 anyos at isang cashier sa isang dept. store.

Mayroon akong boyfriend. Nagtagal ang relasyon namin na limang buwan na ngayon. Pero may natuklasan ako sa kanya. Isa siyang shabu user.

Nang bulatlatin ko ang kanyang clutch bag ay nakakita ako ng sachet na parang tawas at nalaman kong ito ay shabu.

Pinag-awayan namin ito at nakipag-break ako sa kanya nang oras din na ‘yon. Nagmamakaawa siya pero hindi ko siya pinansin.

Nagpunta siya sa bahay namin at sinabing bigyan ko pa siya ng isang chance. Nangako siya na magbabago na siya. Hindi naman daw siya talagang sugapa at ngayon lang siya sumubok.

Dr. Love, dapat ko ba siyang bigyan ng chance?

Joanna

Dear Joanna,

Bakit hindi? Malay mo, baka ikaw ang maging susi para mahango siya sa masamang bisyo.

Subalit bigyan mo siya ng warning na kapag umulit siya ay talagang kalilimutan mo na siya. Kung minsan, ang tao ay ginagamit ng Diyos para maituwid ang landas ng isa pang tao.

Kung sadyang mahal ka ng boyfriend mo, papahalagahan niya ang inyong relasyon at tototohanin ang pa­ngako na hindi na siya babalik sa masamang bisyo.

Dr. Love

ACIRC

ANG

BAKIT

DEAR JOANNA

DIYOS

DR. LOVE

ISA

JOANNA

MAYROON

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with