Dear Dr. Love,
Matagal ko nang gustong sumulat sa inyo, kaya lang ay nauunahan ako ng hiya. Pero dahil wala na akong maisip na pwede kong pagsabihan ng problema ko, kaya nag-decide na akong mag-email.
Tungkol po ito sa babae na matagal ko nang hinahangaan. Bata pa lang kami nararamdaman kong excited ako lagi kapag makakasama ko si Solana. At natiyak kong ang feelings na ‘yun ay hindi lang para sa pagkakaibigan, nung kami ay nasa high school.
Hindi naman tipikal na matangkad, maputi at may pang-beauty queen na posture si Solana, pero sadyang malakas po ang dating niya sa akin. May mga umaaligid na rin po sa kanya, na nagpapalipad-hangin. Pero hindi pa siya nagpapaligaw.
Ang sabi niya, magtatapos muna raw siya ng pag-aaral bago tumanggap ng manliligaw. Ang bagay na ito ang pumipigil sa akin para magtapat o kahit magpahaging lang ng feelings ko para sa kanya.
Pero hindi ko po alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang aking sarili. Tulungan po ninyo ako kung paano ko maiha-handle ng mabuti ang feelings ko para kay Solana.
Aabangan ko po ang payo ninyo, Dr. Love. Thank you in advance.
Marco
Dear Marco,
Hindi mo nabanggit kung ilang taon ka na. Pero I presume nasa college level na kayo ni Solana. Ang maipapayo ko ay manatili na lang muna kayong magkaibigan. Sa totoo lang, sa maraming pagkakataon naoobserbahan na magandang pundasyon ang friendship sa mga naging lover.
Sa ganitong kalagayan ay magagawa mo pa rin mai-express in a way ang pag-aalala, pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanya. If ever na mag-pursue ang feelings mo para kay Solana at sa pagkakataong darating ay ready na siya, saka ka magtapat.
Pero for the meantime, mag-aral muna.
DR. LOVE